Pandiwa

Introduction

Partido State University
Kolehiyo ng Edukasyon
Goa, Camarines Sur
A/Y: 2014-2015

Activity 8

Creating of Web Quest

Inihanda nina:

Hazel C. PericoDelfa Clavano
Sharon N. Corono
Mary Grace Arojado
Meryl Oliver
BSEd 3A

Inihanda para kay:

Dr. Myrna C. Bigueja
Instructor

Task

Layunin:

1. Nauunawaan ang kahulugan ng pandiwa.

2. Natutukoy ang iba't ibang pokus ng pandiwa.

3. Naiisa-isa ang mga aspekto ng pandiwa.

4. Napapahalagahan ang iba't ibang pokus at aspekto ng pandiwa.

Process

KAHULUGAN NG PANDIWA

Salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita(pansematika). Nakikilala sa pamamagitan ng mga impleksiyon nito sa iba’t- ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito (instruktural)

Pokus ng Pandiwa

1. Pokus Tagaganap- ang paksa ng pangungusapØ ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.  Mag- at um-/-um-.

Halimbawa: Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.

2. Pokus sa Layon -Nasa pokus sa layon ang pandiwa kungØ ang layon ang paksa/binibigyang-diin sa pangngusap i-, -an, ipa-, at in.

Halimbawa:Kinain ng ata ang suman at maggang hinog.

3. Pokus sa Tagatanggap- Ang pinaglalaanan ng kilos ang siyangØ simuno sa pangungusap. Halimbawa: Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong nagbalikbayan.

4. Pokus saGanapan -Kung ang paksa ay lugar o ganapangØ kilos.

Halimbawa: Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.

5. Pokus sa kagamitan -Nagsasaad na ang kasangkapan o bagayØ na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang simuno ng pangungusap.

Halimbawa: Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang malinis.

6.Pokus sa sanhi -Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilanØ o sanhi ng kilos. i-, ika-, ikapang-,

Halimbawa: Ipinagkasakit niya ang labis na paghitit ng opyo.

7.Pokus sa direksyunal -Ang paksa ay nagsasaad ng direksyonØ ng kilos ng pandiwa. -an, -han.

 Halimbawa: Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Coorps ang Tagaytay.

Aspekto ng Pandiwa

A. ASPEKTONG PANGNAKARAAN O PERPEKTIBO
- nagpapahayag ang aspetong pangnakaraan ng kilos o gawain na nasimulan na o natapos na.

HALIMBAWA:
Inani ng mga magsasaka ang kanilang pananim na gulay at prutas.

B.ASPEKTONG PANGKASALUKUYAN O IMPERPEKTIBO
- nagsasaad ng kilos na nasimulan na ngunit hindi pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy/ginagawa.

HALIMBAWA:
Maraming nangangarap na umunlad sa pamumuhay.

C. ASPEKTONG PANGHINAHARAP O KONTEMPLATIBO
- naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitang- ugat.

HALIMBAWA:
Hindi ako papayag.

Evaluation

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ito  ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

a. Pang-uri  b.Pangngalan c.Pandiwa d. Panghalip

2. Ito ay aspekto ng pandiwa na ang kilos ay nasimulan at natapos na.

a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Aspektong Katatapos

3. Ang kilos ng pandiwa ay katatapos pa lamang.

a. perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Aspektong Katatapos

4. Ang kilos ng pandiwa ay naimulan na at patuloy pang isinasagawa.

a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Aspektong Katatapos

5. Ang kilos ng pandiwa ay hindi pa nasisimulan.

a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Aspektong Katatapos

6. Pokus ng pandiwa kung saan ang paksa sa pangungusap ay ang gumaganap ng kilos.

a. Pokus sa Tagaganap o aktor b. Pokus sa Layon o Goal c. Pokus sa Sanhi d. Pokus sa Kagamitan

7. Ang paksa sa pangungusap ang tumatanggap sa kilos.

a. Pokus sa Tagatanggap b. Pokus sa Aktor c. Pokus sa Sanhi d. Pokus sa Layon o Goal

8. Ang paksa sa pangungusap ang makikinabang sa pagkakaganap ng pandiwa.

a. Pokus sa Layon b. Pokus sa Aktor c. Pokus sa Tagatanggap c. Pokus sa Sanhi

9. Pokus ng pandiwa kung saan ang pangungusap ay kagamitan.

a. Pokus sa Layon b. Pokus sa Kagamitan c. Pokus sa Sanhi d. Pokus sa Tagatanggap

10. Ang pokus ng pandiwa ay ganapan ng kilos ng pandiwa.

a. Pokus sa Layon b. Pokus sa Sanhi c. Pokus sa Kagamitan d. Pokus sa Ganapan

Conclusion

Konklusyon

Anong silbi ng pinag-aaralan mo kung hindi mo naman naiintindihan at hindi ka rin naiintindihan ng mga nasa paligid mo? Lahat tayo ay parte at produkto ng lipunang ginagalawan natin at ganun na din ang wika. Ang wika ay nagsisilbing daluyan ng isip, damdamin, hangarin, hinaing, kultura, at kaluluwa ng isang lipunan. Ang makamasang pag-aaral ng wika ay isa sa mga susi upang mas malaman natin kung paano nga ba mag-isip ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagtuklas sa kasaysayan ng iba-ibang mga salita at ekspresyon, pag-obserba sa paggamit ng mga tao sa wika, pagtingin sa sistema, atbp. ay napakarami nating maaring malaman tungkol sa sikolohiyang Pilipino. At gamit ng kaalaman na mapupulot natin sa ganitong klaseng pag-aaral, mas madali na nating maipapahayag ng malinaw sa masang Pilipino kung anong tulong ang maari nating maibahagi bilang mga kasapi ng mundong akademiko. Sa ganitong paraan mas mapapadali rin ang edukasyon ng masa. 

 Hindi maikakaila ang pabigat nang pabigat na pressure na mag-aral ng mga dayuhang wika dahil sa walang pakundangang globalisasyong nagaganap. Hindi naman masamang naisin na makasabay tayo dito, pero hanggat hindi natin nasosolusyonan ang problema ng identidad, hanggat hindi natin nalalaman ang kung ano ang ating mga lakas at kahinan, patuloy lang tayong magiging alipin sa ibang mga bansa’t dambuhalang korporasyon at hindi talaga tayo magiging ganap na kalahok sa globalisasyon.

Totoong nakahuhumaling ang panandalian at pansariling aliw na binibigay ng palagiang paggamit ng “mataas na uri” ng wika. Pero dapat nating isipin na sa matagalang panahon ay walang makikinabang sa ganitong pag-uugali. Wala ka namang naibabahaging kaalaman kung hindi ka naiintindihan ng mga kausap mo. Maari pa nga itong maging sanhi ng lalo pang paglayo at pagkayamot ng masa. Huwag nating kakalimutan na umaasa sa isa’t-isa ang iba’t-ibang sektor ng lipunan at nakakasakit sa lahat ang lalo pang paglaki ng hidwaan sa pagitan ng mga ito.    

Sa madaling salita, ang makamasang pag-aaral ng wika ay magbibigay daan tungo sa mas epektibong palitan ng mga ideya sa loob ng lipunan at ito naman ang siyang magbibigay daan tungo sa inaasam nating pagbabago at pag-unlad.  

Credits
Teacher Page

Dr. Myrna C. Bigueja
FS3Ed Instructor