KARUNUNGANG-BAYAN

Introduction

Ang Aralin 1 ay patungkol sa Karunungang-bayan at ito ay isang mahalagang aspeto ng kultura ng Pilipinas ay ang tinatawag na “Karunungang Bayan”. Karunungang Bayan ay isang konsepto na naglalayong mapanatili at palawakin ang kaalaman tungkol sa mga tradisyon kaugalian, at mga kasanayang nagmula sa mga naunang henerasyon.

Ang mga karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala, sumasalamin sa iba’t ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura. Ginagamitan ito ng malalalim at matatalinghagang salita upang mapatalas ang kaisipan. Sadyang matatalino ang ating mga ninuno kung saan naipamamalas nila ito sa pamamagitan ng mga karungang-bayan na nakikita naman natin hanggang sa kasalukuyan. Ang karunungang-bayan ay hango rin sa karanasan ng mga matatanda at nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala. Ito ay isang hudyat na ang mga Pilipino noon pa man ay may mataas na pagpapahalaga sa paglinang sa kaugalian at paghasa sa kinagisnang kultura. May iba’t ibang uri ang karunungang-bayan na makatutulong sa pagtukoy ng dangal ng ating lahing pinagmulan gayundin sa pagwawasto ng sariling pag- uugali at kilos. Ang mga ito ay ang salawikain, sawikain, kasabihan at bugtong.

Halina’t ating unawain ang mga uri ng karunungang-bayan sa modyul na ito.

Task

GAWAIN 1: TAMA o MALI!

Panuto: Sagutin ang pagsasanay sa ibaba upang malaman kung gaano kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa Panitikang Pilipino. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at kung MALI, palitan ang salitang may salungguhit upang ito ay maging tama. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong sagot.

_________1. Ang salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan ay mga halimbawa ng karunungang-bayan.

_________2. "Si Mariang Mapangarapin" ay isang halimbawa ng pabula.

_________3. Ang pabula ay isang anyo ng panitikan kung saan ang gumaganap ay mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay.

_________4. Ang maikling-kwento ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado.

_________5. Ang dula ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

 

GAWAIN 2: I-UGNAY MO!

Panuto: Iugnay ang kahulugan ng sumusunod na pahayag sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_________1. Luha ng buwaya

_________2. Aanhin mo ang palasyo, kung nakatira ay kuwago?

_________3. Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

_________4. Sanga-sangang dila

_________5. Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.

 

A. Nalaman ni Maria na may problema sa marka ni Donna sa asignaturang Matematika. Sinabi niya ito kay Joy na katabi niya. Hindi pa siya nakontento, kinalat niya ito sa buong klase.

B. Hindi totoo ang kaniyang pagdadalamhati nang mamatay ang kaniyang kaibigan.

C. Magaling magbalatkayo ang aming mayamang kapitbahay.

D. Sa panahon ngayon ng pandemya, humina ang tindahan ni Jose kaya konti lang ang kita niya araw-araw. Kaya’t pinagsikapan niyang mabuti na mapagkasya sa kanilang pangangailangan.

E. Sa gitna ng panahong pademya, ang mga Pilipinong Fronliners ay hindi nanghihina bagkus lalo pa itong lumalaban at naging mas matapang.

 

GAWAIN 3: BUGTUNGAN TAYO!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na bugtong. Iayos ang mga initimang letra upang mabuo ang tamang salita na tutugma sa bawat bugtong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay nasagutang papel.

1.Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.                         GOYIN

2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao                                             TISA

3. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.                   APA

4. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.                          TAMA

5. Kay lapit-lapit nasa mata, di mo pa rin makita.                          INGATA

6. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.                                    ASIM

7. Nakayuko ang reyna, di nalalaglag ang korona.                      AYABABS

8. Bulaklak muna ang gawin, bago mo ito kainin.                         INGGAS

9. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.                                        AKOP

10. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.                              MBREROSO

Process

REPLEKSYON MO!

Magbigay ng kaalaman hinggil sa bidyong napanood patungkol sa Karunungang-bayan.  https://youtu.be/8yEs5aYm5yIhttps://youtu.be/8yEs5aYm5yI

Evaluation

KARUNUNGANG-BAYAN GRAPHIC ORAGANIZER

Gumawa ng Graphic Organizer patungkol sa  Salawikain, Sawikain, Kasabihan, at Bugtong. Isumite ang inyong nagawang Graphic Organizer sa Blackboard Learn (BBL).

Conclusion

Napakahusay mo minamahal kong mag-aaral. Natapos at napagtagumpayan ninyo ang aralin. Sana'y lubos ninyong naunawaan at naintindihan ang mga Karnungang-bayan (Salawikain, Sawikain, Kasabihan, Bugtong). Nawa'y pahalagahan mo ang mga ito dahil sumasalamin ito sa ating kultura at tradisyon.

Bagaman tapos na tayo sa araling ito. Ihandang muli ang inyong sarili sa panibagong na namang aralin, ang Aralin 2: Matatalinghagang Pahayag at Eupemistiko o Masining na Pahayag.