LAKAS NG BANSA! LAKAS NG MGA MANGGAGAWA

Introduction

Ang lakas paggawa o labor force ay ang edad 15 pataas na may sapat na lakas at kasanayan upang aktibong makilahok sa mga gawaing pamproduksyon ng bansa. Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman ukol sa lakas paggawa ng isang bansa tutulungan tayo ng webquest upang maabot ang mga sumusunod na layunin:

(1) Makapanayam ng isang manggagawa at malaman ang kanilang mahalagang papel sa produksyon ng bansa.

(2) Makabuo ng presentation slides na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng manggagawa sa ating bansa.

(3) Makapagpahayag ng repleksyon mula sa pagsasaliksik.

Inaasahan sa inyo na mas makilala niyo pa ang mga manggagawa na nagtataguyod ng ating mga industriya at ekonomiya. Nangangailangan na malinang ang inyong iba't ibang kakayahan sa pagpaplano, pakikipagtalastasan at kakayahan sa ICT.

Task
  • Kayo ay magsisilbing researcher ng isang manggagawa, aalamin niyo ang background information ng isang manggagawa, ang kanyang katungkulan, mga kakayahan at kaalaman na kinakailangan upang magawa ang kanyang katungkulan.
  • Kayo rin ay magsisilbing tagapag-ulat ng manggagawa na inyong nakapanayam at ipapaliwanag ang kahalagahan ng kanilang ginagawa.
  • Sa bandang huli, ipapahayag niyo ang inyong mga natuklasan sa paggawa ng isang report paper.
Process

1. Bumuo ng pangkat na may apat na miyembro, magtalaga ng pinuno at alamin ang gmail ng bawat isa at bumuo ng isang groupchat.

2. Magdesisyon kung anong manggagawa ang inyong pipiliin.

3. Italaga ang tungkulin ng bawat isa bilang: researcher/interviewer, slide designer, editor at reporter.

  • Researcher/Interviewer: ang researcher ay bubuo ng isang google form na may nilalaman tungkol sa mga impormasyon ng isang manggagawa. Ipapasa ito sa isang manggagawa sa pamamagitan ng facebook at kapanayamin sa pamamagitan ng chat or google meet.
  • Editor: kakalapin ng editor ang lahat ng impormasyon sa pamamagitan ng isang google docs at isasaayos ito sa tatlong bahagi: Ano ang trabaho? Sino ang manggagawa? Ano ang kahalagahan ng kanyang trabaho.
  • Slide Designer: bubuo ng slides presentation na nagpapakita ng kanilang nasaliksik
  • Reporter: tagapag-ulat ng kanilang nasasaliksik.

4. Huwag kalimutan na ibahagi ng lider ang mga dokumento sa kanyang kasamahan.

5. Sa buong proseso, mag-collaborate ang bawat isa sa pamamagitan ng group chat at group edit.

 

RESOURCES:

 

Evaluation

Panuntunan sa Pagbibigay ng Marka sa Pangkatang Gawain

 

5

4

3

2

1

Nilalaman

Nasagot ng mahusay ang lahat ng mga katanungan

Nasagot ng mahusay ang halos lahat ng katanungan

Nasagot ang lahat ng katanungan

Nasagot ang halos lahat ng katanungan

Nasagot ang iilang katanungan

Presentasyon

Buong husay na naipapaliwag ang kasagutan sa klase

Naiipapaliwanag ang mga kasagutan ng mabuti

Naipapaliwanag ang kasagutan sa klase

Naipapaliwanag ang halos lahat ng kasagutan sa klase

Naiipapaliwanag ang iilang kasagutan sa klase

Kooperasyon

Naipapamalas ng buong miyembro ang pagkakaisa

Naipapmalas ng halos lahat ng miyembro ang pagkakaisa

Naipapamalas ang pagkakaisa ng mga miyembro

Naipapamalas ang pagkakaisa ng iilang miiyembro

May pagkanya-kanya ang bawat isang miyembro

Takdang  Oras

Natapos ang Gawain ng buong husay sa loob ng itinakdang oras

Natapos ang Gawain ng buong husay ngunit lumagpas ng 1 araw sa itinakdang oras

Natapos ang Gawain sa loob ng itinakdang oras ngunit lumagpas ng 2 araw sa itinakdang oras

Natapos ang Gawain ngunit lumagpas ng 3 ngunit lumagpas ng 2 araw sa itinakdang oras 

Hindi natapos ang Gawain

Preparasyon

Laging alisto at laging handa ang mga kagamitan sa pangkatang gawain

Laging nakahanda ang mga kagamitan sa pangkatang gawain

Nakahanda sa pangkatang Gawain

Kailangang lumabas sa klase dahil walang handang kagamitan

Walang kahandaan

Conclusion

Pagkatapos ng webquest na ito, anong trabaho ang nais niyong buuin sa hinaharap? Handa ka na bang sumunod sa yapak ng mga manggagawa na pinapangarap niyo?

My Hope and My Future – "Ang Tagumpay Ay Nagmumula Sa Sarili"