El Filibusterismo: Kabanata 7-9

Introduction

Mga Layunin:

  • Nasusuri ang mga kaisipang lumutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang)

  • Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghangang salita na ginamit sa binasang kabanata ng nobela.

  • Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga kaisipang namayani sa akda.

 

Task

A. Aktibiti

Gawain 1:

Pangunahing tauhan ng dalawang nobela ni Rizal: Noli Me Tangere at El Filibusterismo na si Crisostomo at Simoun magbigay ng dalawang katangian ng bawat isa.

Crisostomo                                                    Simoun

Maginoo                                                         Matapang

May pagpapahalaga sa kapwa.                     Matalim magsalita

 

Gawain 2: TALAS-Salitaan. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga matatalinghagang salita.

  1. dapyo -               ________________________

  2. tampipi-              ________________________

  3. Misa Mayor-        ________________________

  4. bulyaw-               ________________________

  5. aginaldo-             ________________________

 

Sagot: 1.dampi   2. malaking basket na parihaba  3. huling misa   4. sigaw    5. regalo

 

B. Pagtalakay sa:

1. Kabanata 7: Simoun

  • Sa kabanatang ito, ay natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun.
  • Ikinuwento rin  ni Simoun ang kanyang pinagdaanan sa labingtatlong taon na lumipas.
  • Tinuligsa ni Simon ang plano ni Basilio ukol sa Akademya ng Wikang Kastila.

2. Kabanata 8: Maligayang Pasko

  • Sa kabanatang ito, ibinahagi ni Rizal ang pagdiriwang ng pasko na itinuturing niyang isang sakit ng lipunan.
  • Labis na naapektuhan ang mag-ingkong na sina Huli at Tandang Selo sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya lalo na si Kabesang Tales

3. Kabanata 9: Mga Pilato

  • Walang ibang sinisisi si Hermana Penchang kundi si Tandang Selo na hindi tinuruan ng pagdarasal ang kanyang anak.
  • Nagdiwang ang mga prayle dahil sila ay nanalo sa usapin tungkol sa lupa.
  • Tuluyan nang pinaaalis sina Kabesang Tales sa kanilang tahanan.

 

Process

Repleksyon:

Kung mabibigyan ng pagkakataon na ikaw ay sumapi sa katawan ni Ibarra, magiging si Simoun ka rin ba? O magpapatawad ka at ipasasa-Diyos na lamang ang lahat?

Evaluation

Pagmamarka gamit ang rubriks.

Repleksyon Rubriks

             Pamantayan

               1

                    2

                       3

Puntos

Boses

Mahina 

Katamtaman

Malakas

 

Pagsagot at Pagpapaliwanag

Maikli at hind wasto

Maikli ngunit wasto

Mahusay at maraming paiwanag

 

Pagtayo

Hindi Maayos 

Maayos paminsan-minsan

Nanatiling maayos

 

Pakikipag-ugnay

Nakayuko

Sa guro lamang tumitingin              

Tumitingin sa guro at kamag-aral

 

Kabuuang Puntos

 

 

 

 

 

 

 

Conclusion

Takdang-aralin:

Sagutan ang pahina 27 at 28. ( Pagsasanay 1 at 2)