FILIPINO : Elemento ng Kuwento

Introduction

Mabuhay!

Matapos panoorin ang iba't ibang maikling kuwento, tatalakayin at tutukuyin naman natin ang iba't ibang elemento ng kuwento upang mas malaman at maunawaan ang kahalagahan nito sa bawat pahina ng paglalakbay sa ating buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

Task

Ang buong klase ay hahatiin ng limang pangkat na siyang magsisilbing kumakatawan sa limang elemento ng kuwento. Batay sa ibinahaging kuwento ng guro, mas makakakuha ng ideya ang bawat pangkat upang tukuyin ang elemento ng kuwento.

Elemento ng Kuwento: Panimula, Tauhan, Tagpuan, Tunggalian at Wakas.

Process
  1. KILALANING MABUTI ANG KINATAWAN. Ang bawat grupo ay nakatalaga ng bawat elemento ng kuwento na siyang dapat nilang kilalanin dahil ito ang magsisilbing gabay sa susunod na gawain. 

 

     2. TUKUYIN ANG BAWAT ELEMENTO. Ang bawat elemento ng kuwento ay makikita sa nasabing kuwento na siyang dapat matukoy ng bawat pangkat ayon sa nakatalagang elemento sa bawat pangkat.

 

     3. MALIKHAING PAG-UULAT. Ang nakatalagang elemento ng kuwento ng bawat pangkat ay i-uulat sa harapan ng klase ayon sa pagkasunod-sunod na pangyayari nito ngunit sa napakamalikhaing paraan.

 

     4. PANAHON AT ORAS AY MAHALAGA. Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng taglilimang minuto upang maiulat ang nakatalagang elemento ng kuwento sa bawat pangkat. 

 

Evaluation

35% NILALAMAN. Ang pagka-ugnay sa gawain sa paksang tinalakay.

30% PAGKAMALIKHAIN. Kakayahang makuha ang atensyon at loob ng klase. 

20% PAGTUTULUNGAN. Nakikita ang pagiging responsable bilang isang miyembro ng grupo. 

15% INILAANG ORAS. Dapat hindi lumampas sa initakda o binigay na oras sa gawain. 

100% : KABUOAN

Conclusion

Matapos malampasan ang binigay na gawain ng guro ay maaari ring gawin ang sumusunod:

1. Maghanap sa internet ng kuwento na siyang nakapaloob ang limang elemento at gayahin ito upang ipresenta sa harap ng klase.

2. Gumawa ng sariling kuwento gamit ang limang elemento ng kuwento sa bondpaper at lagyan ng palamuti.

3. Maghanap ng iba't ibang kuwento at alamin ang gintong aral ng bawat kuwento na maaring makatulong sa araw araw na pamumuhay.