Introduction
Noon, ang mga bayani ay nasa digmaan at humaharap sa mga mananakop. Ngayon, nasa social media, paaralan, at komunidad na sila.
Ngunit nagbago nga ba talaga ang kahulugan ng "kabayanihan"? O iisa pa rin ang diwa nito sa kabila ng pagbabago ng panahon?
Sa WebQuest na ito, susuriin ninyo ang buhay ng mga bayani ng Pilipinas at i-uugnay ito sa mga hamon na kinahaharap ng kabataan ngayon. Dahil baka... ikaw na ang susunod na bayani.
Task
Gawain:
Sa grupo ng 3-4, gagawa kayo ng "Digital Bayani Campaign"
Layunin: Iugnay ang mga prinsipyo ng kabayanihan sa mga isyu ng kasalukuyan.
Ang inyong campaign ay dapat maglaman ng:
1. Talambuhay ng Bayani: Pangalan, larawan, at 3 pangunahing ambag sa bansa.
2. Heroism Today: 3-4 minutong video o infographic na nag-uugnay sa bayani sa isang kasalukuyang isyu.
3. Repleksyon: Isang talatang sanaysay na "Kung Ako ang Bayani Ngayon" - paano maisasabuhay ang mga prinsipyo sa paaralan at komunidad.
4. Presentasyon: Ipapakita ang campaign at sasagot sa mga tanong ng guro at kaklase.
Process
1. Pumili ng Bayani
Pumili ang grupo ng isang pambansang bayani ng Pilipinas. Maaaring sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gabriela Silang, at iba pa. Ipaalam sa guro ang napili ninyong bayani.
2. Pagsasaliksik
Gamitin ang mga ibinigay na link at iba pang maaasahang sources para mangalap ng impormasyon tungkol sa napiling bayani. Tumutok sa kanilang buhay, mga prinsipyo, at mga ambag sa bansa.
3. Pagbuo ng Campaign
Buuin ang 4 na bahagi ng campaign: Talambuhay, Heroism Today, Repleksyon, at Presentasyon. Siguraduhing malinaw ang koneksyon ng prinsipyo ng bayani sa napiling kasalukuyang isyu.
4. Pag-eensayo at Pagpapasa
Mag-eensayo sa paglalahad ng campaign. I-submit ang video/infographic at sanaysay sa itinakdang paraan ng guro. Maghanda para sa tanungan ng guro at kaklase sa araw ng presentasyon.
Evaluation
Ang inyong Digital Bayani Campaign ay mamarkahan sa kabuuang 16 na puntos.
1. Talambuhay ng Bayani - 4 puntos
Dapat kumpleto ang pangalan, larawan, at 3 pangunahing ambag. Kailangan tumpak at galing sa maaasahang sources tulad ng NHCP. Mas mataas ang puntos kung detalyado at malinaw.
2. Heroism Today - 4 puntos
Dapat malinaw ang koneksyon ng prinsipyo ng napiling bayani sa isang kasalukuyang isyu. Ang 3-4 minutong video o infographic ay dapat malikhain, maayos, at madaling maintindihan.
3. Repleksyon - 4 puntos
Sa sanaysay na Kung Ako ang Bayani Ngayon, dapat ipakita ang malalim na pag-unawa. Magbigay ng konkretong paraan kung paano maisasabuhay ang kabayanihan sa paaralan at sa komunidad.
4. Presentasyon - 4 puntos
Kailangan kumpiyansa at malinaw ang paglalahad. Dapat masagot nang maayos ang mga tanong ng guro at kaklase. Lahat ng miyembro ng grupo ay dapat may partisipasyon.
Total: 16 puntos
Conclusion
Binabati kita. Natapos mo na ang iyong paglalakbay bilang isang Tagapagtaguyod ng Kabayanihan.
Sa WebQuest na ito, natuklasan mo ang buhay, prinsipyo, at sakripisyo ng mga bayani ng Pilipinas.
Nalaman mo na noon, ang kabayanihan ay nasusukat sa tapang sa digmaan at pag-aalay ng buhay para sa bayan.
Ngunit napagtanto mo rin na hanggang ngayon, buhay pa rin ang diwa ng kabayanihan.
Sa makabagong panahon, hindi na kailangan ng baril at espada para maging bayani.
Ang kabayanihan ngayon ay makikita sa pagtulong sa kapwa, sa pagiging responsable sa paaralan,
sa paggalang sa batas, at sa pagmamalasakit sa ating bansa at komunidad.
Maaari itong magsimula sa maliliit na gawain tulad ng pagiging matapat, pag-volunteer,
at paggamit ng social media para sa kabutihan.
Bilang mga kabataan, kayo ang pag-asa ng bayan. Ang Digital Bayani Campaign na ginawa ninyo
ay patunay na may magagawa ang bawat isa para sa pagbabago.
Kaya ang hamon ko sa iyo:
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mag-iwan ng pamana para sa Pilipinas,
anong klaseng bayani ang gusto mong maging?
Credits
Mga Pinagkunan ng Impormasyon:
1. National Historical Commission of the Philippines - https://nhcp.gov.ph
2. Kahimyang Project - https://kahimyang.com
3. Filipinas Heritage Library - https://filipinaslibrary.org.ph
4. Presidential Museum and Library - https://malacanang.gov.ph
5. Wikipedia - https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_national_heroes_of_the_Philippines
Tala: Ang lahat ng larawan at impormasyon ay pag-aari ng kani-kanilang may-ari.