LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Introduction

Ang lahat ng ating nasa paligid, ang mga kabundukan, dagat, hayop, halaman, at mineral ay mga likas yaman na siyang pinagkukunan at nililinang ng tao upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Noon pa man at magpahanggan ngayon, ang uri ng ating pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kanyang kapaligiran. pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay kung ang tao ay naninirahan sa kapatagan. Kung sa baybaying dagat naman ay pangingisda ikinabubuhay. tunay nga na ang ganitong ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang natural na prosesong ipinagkaloob ng Diyos upang ang lahat ay mabuhay.  

Task

Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahan masusuri mo ang iba't ibang likas na yaman ng Asya. Upang makamit ang layunin ito kailangan mong matutunan ang iba' ibang likas na yaman ng asya sa bawat rehiyon. 

Process

Paghahambing ng likas na yaman noon at ngayon. 

 

                             NOON                             NGAYON
Noon ang kalikasan  likas natin ay sagana  sa mga likas na yaman, maraming puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog. Noon payak lang ang pamumuhay ng tao kung ano lang iyon nasa paligid nila iyon lang ang kanilang pinagkukunan ng kanilang pagkain. Ngunit sa pagdaan ng panahon ang ating likas na yaman ay unte-unting nasisira.  Sa panahon ngayon ang ating likas na yaman ay onte-unting nasisira sa kadahilanan na nagbabago ang ating panahon. kasabay ng pag-unlad ay ang pagkasira din ng ating kapaligiran at mga likas na yaman. Dahil sa teknolohiya nawawasak ang ating kabundukan dahil sa sobrang pagkuha ng mga likas na yaman, gayundin sa ating karagatan at mga ilog.  

 

Evaluation

 

Conclusion

Mahalagang mapangalagaan nating ang ating mga likas na yaman sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa kabundukan na nakalbo na dahil sa labis na pagputol ng mga puno. paglilinis ng ating mga babaying dagat at ilog na kung saan napupuno na ng basura dahil sa labis na pagtatapon ng basura galing sa mga tao. mahalaga na magampanan natin bilang tao na nangangalaga sa kalikasan na dapat natin itong pangalagaan upang makita parin ng mga susunod na henerasyon ang kagandahan ng ating mga likas na yaman. 

Credits
Teacher Page

Ang webquest na ito ay nilika ni Aiza T. Ayuma, mag-aaral sa College of Sciences Technology and Communication Inc, Sariaya Quezon, para sa asignaturang Technology for Teaching and Learning 2 (TTL 2).

May be an image of flower and text that says 'LIFE is not about looking back and wishing that today is the same with the past. Life is about moving on, accepting changes and looking forward to what makes you stronger and more complete because it's never been too late to have a life and never too late to unknown change one. inspiringandpositivequotes.com INSPIRING AND POSITIVE QUOTES'