MAIKLING KWENTO

Introduction

Ang Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang kathang ito ay maikli lamang kung kaya’t ang pagbabasa nito ay maaring matapos sa isang upuan o isang impresyon lamang. Ang mga pangyayari sa akdang ito ay karaniwang nagmula sa malikot na imahinasyon ng manunulat, maari ding ito ay nakabatay sa sariling karanasan ng may akda.

Ang maikling kwento ay maikli at masining.Isang upuan at sandaling panahon lamang ang ginugugol,agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw. Kilala si Edgar Allan Poe  bilang Ama ng Maikling Kwento sa buong mundo. Ayon sa kanya, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan,likha ng guniguni at bungang isip o hangosa isang tunay na pangyayari sa buhay. Samantala, kilala naman bilang Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas si Deogracias A. Rosario.

Nagdaan rin sa maraming panahon ang Maikling Kwento katulad ng Panahon ng Katutubo, Kastila, Amerikano, Hapon, at Bagong Lipunan

Maaaring tingnan ang bidyo na ito:

 

Task

Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na nalalaman ang mga elemento ng Maikling Kwento ,pasulat na wawakasan ang maikling kwento sa pagbubuod o pagbibigay ng makabuluhang obserasyon, at nakagagawa o nakalilikha ng isang maikling kwento gamit ang: elemento, orihinalidad, at pagmalikhain. Sa pagkamit ng mga ito ay makatutulong ang mga materyal at aralin sa webquest na ito na kinakailangan ng masidhing panunuri at pagsisiyasat sa mga impormasyon.

 

Process

Elemento ng Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay kadalasang sinusulat upang magdulot aliw sa mga mambabasa at magturo ng mga aral sa buhay.

Mayroong walong(8) elemento ng maikling kwento. Ang mga ito ay ang tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan, suliranin, tunggalian, at paksang diwa.

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

  • Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
  • Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
  • Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
  • Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
  • Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.

7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

 

Alamin pa ang Elemento ng Maikling Kwento sa tulong ng bidyo na ito:

 

Gabay sa Magandang Pagwawakas/Pagtatapos ng isang Maikling Kwento

Ang isang kwento ay simpleng paglalahad ng isang pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan na may kaugnyan sa bawat isa na may simula, isang gitna at isang pagtatapos, ngunit ang mga magagandang kwento (yaong mga nakikipag-usap sa amin ang karamihan) ay mga kwento din na mayroong isang tiyak na "kahulugan". Hindi mahalagang malaman kung ang kuwento ay totoo o kathang-isip, kung ang pagtatapos ay malungkot o masaya, ang lahat ng magagandang kwento ay magpapakita sa mambabasa, sa isang paraan o sa iba pa, na sila ay mahalaga.

1. Pagpapasya sa Pagtatapos

Kilalanin ang mga bahagi ng kuwento. Ang pasimula ay ang bahagi ng kwento na darating bago pa man ang lahat, ang gitna ay ang bahagi na sumusunod sa simula at na nangunguna sa wakas at huli ay sumusunod sa gitna at nagtatapos sa kwento.

Maghanap ng isang pagtatapos sa iyong kwento. Ang diskarte na ito ay kapaki-pakinabang kung sa palagay mo ay naglalaman ng maraming pangunahing mga kaganapan ang iyong kwento na ang lahat ay tila kawili-wili sa iyo, dahil magiging mahirap makahanap ng isang magandang pagtatapos. Kailangan mong magpasya ang term na ilalagay sa salaysay pagkatapos nito ay hindi na magkakaroon ng higit pang mga pangunahing aksyon o kaganapan.

2. Ipaliwanag ang Paglalakbay

Sumulat ng isang salamin tungkol sa mga kaganapan sa kasaysayan. Dapat mong linawin ang kahulugan ng pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan na inilagay mo sa lugar. Sabihin sa mambabasa kung bakit mahalaga ang mga kaganapang ito.

Itanong ang sumusunod na katanungan: "Kaya ano? " Isipin ang kahalagahan o kaugnayan ng iyong kwento sa mambabasa. Bakit dapat pansinin ng isang mambabasa ang iyong kwento? Kung masasagot mo ang tanong na ito, balikan ang iyong kwento upang makita kung ang pagkakasunud-sunod ng mga aksyon na iyong napili ay maaaring magdala ng isang makatwirang mambabasa sa sagot.

3. Paggamit ng mga Aksyon at Imahe

Gumamit ng mga aksyon upang ipakita kung ano ang mahalaga. Alam nating lahat na ang mga kwento na puno ng aksyon, nakasulat o biswal, ay nakakainteres sa mga tao sa lahat ng edad. Sa pamamagitan ng pisikal na pagkilos, maaari kang magbigay ng higit na kahulugan at kahalagahan sa iyong kwento.

4. Sundin ang Lohika

Suriin muli ang mga kaganapan upang makita ang kanilang link. Tandaan, hindi lahat ng mga aksyon ay may parehong kahalagahan o iisang link. Ang isang kuwento ay sumusunod sa isang kahulugan na ipinahayag nang kaunti, ngunit ang lahat ng mga aksyon na natagpuan doon ay hindi ginagamit upang dalhin ang mambabasa sa parehong ideya. Hindi rin sila kumpleto o matagumpay.

 

Maaaring basahin dito: https://tl.10steps.org/crire-une-bonne-fin-une-histoire-294

Evaluation

Ngayon ay dumako tayo sa isang Maikling Kwento na pinamagatang "Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata" ni Genoveva Edroza-Matute.

SI GENOVEVA Edroza-Matute, o mas kilala sa tawag na “Aling Bebang,” ay isa sa pinakadakilang manunulat at kuwentista ng panitikang Filipino. Nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in English, master’s, at doctorate degree sa UST, si Aling Bebang ay nagkamit ng iba’t ibang parangal tulad ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Cultural Center of the Philippines para sa Sining (Panitikan), Republic Literary Awards ng National Commission for Culture and the Arts, at Lifetime Achievement Award para sa Panitikan na ginawad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang sumusunod na kuwento ay base sa katauhan ng isang batang lalaki na naging estudyante ni Matute dati. Nagwagi ang akdang ito ng Palanca noong 1955.

 

Panoorin sa bidyo na ito ang Maikling Kwento:

 

Gawain 1: "PASAGOT NAMAN"

Matapos mapanood ang Maikling Kwento na "Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata" ay sagutin ang mga sumusunod:

 

Gabay na katanungan:

1. Sino ang persona ng Maikling Kwento? Ilarawan.

2. Ano-ano ang katangian ng pangunahing tauhan sa Maikling Kwento? Isa-isahin ito.

3. Paano inilarawan ng guro ang binata?

4. Ano natutunan mo matapos basahin ang kwento? Nakatulong ba ito sa iyo? Bakit?

5. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng Maikling Kwento bilang isang akdang pampanitikan?

6. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na wakasan ang Maikling Kwento na ito. Paano mo ito gagawin? Isulat ang iyong sariling pagwawakas.

 

 

Gawain 2: "AKO'Y MANLILIKHA"

Sumulat ng isang napapanahon na Maikling Kwento gamit ang mga elemento nito at sa tulong ng iyong orihinalidad at pagkamalikhain. Malayang pumili ng anumang paksain.

Rubriks Pagsulat ng Maikling Kwento

Mangyaring i-click ang link na ito para sa rubriks: https://drive.google.com/file/d/1WvhGMSmXx_rHWvCt1-oyHWCH8pf-CFC5/view?usp=sharing

 

 

 

Conclusion

Ang hangarin ng maikling kwento ay maipakita ang mga kwentong nagpapakita ng mga sitwasyon, totoo o kathang-isip, sa loob ng isang konteksto kung saan bubuo ang mga ito, ang buhol o paglabag na mga puntong lumitaw at ang kinalabasan na nagbibigay-daan upang ipakita ang mga aralin.

Credits

Eed (2018). Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas. Retrieved from: https://www.academia.edu/38167028/Kasaysayan_ng_Maikling_Kwento_sa_Pilipinas

Carlo (2019). Ano ang Maikling Kwento?. Retrieved from: https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-maikling-kwento/

Ghaz (2019). Elemento ng Maikling Kwento at Kahulugn Nito. Retrieved from: https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-kahulugan/

Pagsulat ng Magandang Pagtatapos sa Isang Kwento. Retrieved from: https://tl.10steps.org/crire-une-bonne-fin-une-histoire-294

The Varsitarian (2010) Paglalayag sa Puso ng Isang Bata. Retrieved from: https://varsitarian.net/filipino/20100831/paglalayag_sa_puso_ng_isang_bata

Teacher Page

Ang WebQuest na ito ay likha ni Alexander O. Bueno, isang mag-aaral sa mataas na Paaralan ng College of Sciences, Technology, and Communications Inc.-Sariaya na kumukuha ng kursong Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon Major sa Filipino. Ginawa ito bilang pangangailangan sa asignaturang Technology for Teaching and Learning Filipino.