Maikling Kwento

Introduction

Maikling Kwento
 -Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. 

Tatalakayin ang walong(8) elemento ng maikling kwento at mga kahulugan sa sumusunod:

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

  • Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
  • Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
  • Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
  • Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
  • Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.

7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

Sa araling ito inaasahan ang mga mag-aaral na mapamalas ang pag-unawa sa akdang pampanitikan na maikling kwentong pinamagatang  "Huling Hiling, Hinaing at Halinghing ni Hermano Huseng" ni Pat V. Villafuerte. Sa araling ito ay nakapokus sa pag-unawa ng elemento ng kwento sa pamamagitan ng Pagsusuri upang higit na maunawaan ang maikling kwento at kung paano rin makakategorya ang bawat pangyayare sa kwento gamit ang mga elemento.

Sa bidyong nakahanda, kinakailangan itong unawain upang higit na magkaroon ng malalim na pang-unawa ang elemento ng maikling kwento.

 

Task

Inaasahan sa pagtatapos ng aralin natalakay ay masasagawa ang pagsusuri ng nasabing maikling kwentong napili sa pamamagitan ng Pagsulat o Pag-type sa kung paanong paraan ng balangkas ang gagawin. Kinakailangan makita sa gawaing ito ang pagkakasunod sunod ng kuwento ayon sa elemento kasama. Kinakailangan makita ang sa kada elemento kung saan nabibilang ang pangyayari sa bawat kwento. 

Process

Ang maikling kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG ni Pat V. Villafuerte ay nagkamit ng ikatlong gantimpala sa nakaraang ika-52 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. 

Ang kabuuan ng kuwentong HULING HILING, HINAING AT HALINGHING NI HERMANO HUSENG ay halos umikot sa tatlong mahahalagang konteksto ng buhay ni Hermano Huseng, siyang kababakasan na sa mismong pamagat pa lamang ng kuwentong nabanggit. Narito ang isang bidyo ng kwento. Panuorin, unawain at pakinggang mabuti upanng higit na maisaisip ang sunod-sunod na pangyayari sa kwento.

Upang mas higit na maunawaan ang pagsusuri ay maaring gamiting sanggunian ang link  at bidyo sa kung paano ang tamang pagsusuri baba:
https://www.academia.edu/31660085/PAANO_MAGSURI_NG_MAIKLING_KUWENTO
 

 

Evaluation

Magsuri tayo!

Suriin ang maikling kwentong tinalakay ayon sa walong elementong nakasaad sa baba o tinalakay sa aralin.

1. Tauhan 

2. Tagpuan 

3. Banghay Panimula 

4. Kaisipan

5. Suliranin

7. Tunggalian 

8. Paksang Diwa 

Pagbabalangkas!

Gumawa ng isang Pagsusuri sa paraan ng pag babalangkas upang makita ang 5 bahagi ng banghay.

 

Malayang pumili kung paanong paraan ang balangkas na gagamitin.

Credits
Teacher Page

Nilikha ni: Cristene Joy Juacalla

BSED4-Filipino