MGA ISYU SA KARAPATANG PANTAO

Introduction

Alam mo ba ang iyong karapatan bilang isang mamamayan? Ano nga ba ito?

            Ilan lamang ito sa mga katanungan kung napag-uusapan ang karapatang pantao. Karamihan man sa atin ay alam ang ating karapatan, mas marami naman ang hindi pa pamilyar nito at kaunti lamang ang nalalaman.

            Ang kakulangan ng impormasyon patungkol sa karapatan ng bawat indibidwal ay nagdudulot lamang ng negatibong epekto sa tao sa kadahilanang kulang ang iyong kaalaman tungkol sa iyong karapatan, madali lamang sa ilan ang paglabag nito at posibleng ikaw ay maging biktima.

            Kaya napakahalaga na malaman ng bawat isa ang ating mga karapatan bilang tao at nawa’y sa pamamagitan ng araling ito, malaman ninyo ang mga mahahalagang bagay patungkol sa Karapatang Pantao.

            Kung kayo ay handa na,mangyaring pindutin ang button TASK at PROCESS.

Task

            Ang mga mag-aaral ay inaasahang makakagawa ng brochure na magpapakita ng mga isyu ng Karapatang Pantao katulad na lamang ng mga anyo ng paglabag nito, epekto ng paglabag sa karapatang pantao at mga halimbawa  ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa at daigdig.

            Bago magtungo sa button PROCESS, sagutan muna ang inihandang 5-item na pasulit sa pamamagitan ng pag click ng link na makikita sa baba.

https://quizizz.com/admin/quiz/6075000275d290001b08ee3b

Process

Ngayong nasagutan na ninyo ang pasulit, panahon na para pag-aralan ninyo ang aralin . Ito ay patungkol sa mga Isyu sa Karapatang Pantao. Kailangan ninyong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong sa pamamagitan ng mga links sa ibaba.

1. Ano ang karapatang pantao?

https://www.slideshare.net/aybipolidario/karapatang-pantao-87704555

2. Ano-ano ang mga anyo ng paglabag ng Karapatang Pantao?

https://johnlordlantayona12.blogspot.com/2021/04/anyo-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao.html

https://brainly.ph/question/1043491

3. Ano ang mga isyu sa paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas?

https://www.ohchr.org/Documents/Countries/PH/Philippines-HRC44_TagalogVersion.pdf

4. Ano ang batas sa Pilipinas na patungkol sa Karapatang Pantao?

https://www.officialgazette.gov.ph/2013/02/25/batas-republika-blg-10368/

5. Ano ang mga ibat-ibang epekto sa paglabag ng Karapatang Pantao?

https://myinfobasket.com/ang-mga-epekto-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao/

6. Ano-ano mga halimbawa ng paglabag sa Karapatang Pantao sa pamayanan, bansa at daigdig?

https://prezi.com/zptaj11wa_7h/mga-halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-sa-bansa-at-daigdig/

https://myinfobasket.com/mga-halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-sa-pamayanan-bansa-at-daigdig/

Evaluation

                                                     Rubrics para sa Brochure na gagawin ng mga mag-aaral 

  PAMANTAYAN

 

LUBOS NA KATANGGAP-TANGGAP                                                                                          (5)

 

               KATANGGAP-TANGGAP

                                  (3)

 

               MAHINA

                     (1)

Organisasyon

Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan.

Maayos ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan ngunit kulang.

Hindi maayos at nakakalito ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan.

PAGLALAHAD           NG IMPORMASYON

Nailalahad ng napakahusay ang mga impormasyong kailangan sa brochure.

May mga impormasyong nailahad ngunit kulang.

Mali ang mga impormsyong nailahad sa brochure.

NILALAMAN

Nagawa ang brochure na may pag-unawa sa paksa, nailalahad ng malalim ang nilalaman at nakakapukaw ng interest sa mambabasa.

Nagawa ang brochure na may pag-unawa sa paksa ngunit hindi ito nailahad ng malalim ang nilalaman at hindi nakakapukaw ng interest sa mambabasa

Nagawa ang brochure ngunit walang pag-unawa sa paksa.

DESINYO

Angkop at maganda ang desinyo. Kaaya-ayang tingnan at nakakaakit ng mambabasa

Maayos ang desinyo ngunit kailangan pa ng pagpapabuti.

Nakakadisturbo ang disenyo. Naapektuhan ang kalidad ng brochure dahil hindi angkop ang desinyo.

KABUUAN

Maayos ang pagkagawa ng brochure. Nailahad ang lahat ng mga kinakailangang ilagay sa produkto.

Maayos ang pagkagawa ng brochure ngunit hindi nailahad ang lahat na mga kinakailangang ilagay sa produkto.

Hindi maayos ang pagkagawa ng module kailangan pang pagbutihan ang paggawa.

Conclusion

           Ang karapatang pantao ay napakahalaga sa bawat indibidwal sapagkat sa pamamagitan nito, malayang makakagalaw ang isang tao na walang takot o pangamba para sa kanyang buhay. Hindi man mawala-wala o wala mang katapusan ang mga isyu tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, ginagawa naman ng gobyerno at ng mga bansang kasapi sa Internasyonal na Union ang lahat upang mapuksa mabigyang solusyon ang problemang ito.

           Ngayong nalaman na ninyo ang mga Isyu patungkol sa Karapatang Pantao, sana'y maibahagi ninyo ito sa marami pa upang lahat ay may kaalaman patungkol sa ating karapatan. Sa pamamagitan ng kaalaman natin dito, tayo ay protektado laban sa mga mapang-abusong indibidwal. 

Credits
Teacher Page

Pangalan : John Lord Lantayona

Program: Bachelor in Social Studies Education

Contact number: 09154012408

Email: johnyeolkris12@gmail.com

           lantayona.jl-@pnu.edu.ph

       Kung kayo ay may mga katanungan, maaari ninyong i contact ang guro sa pamamagitan ng email na ibinigay.