Mga Isyu sa Karapatang Pantao

Introduction

Bago simulang basahin ang mga impormasyong ibinigay sa ibaba, ikaw ay inaasahang magbibigay ng komento sa tanong na " Base sa iyong karanasan at kaalaman, ano ang kahulugan ng karapatang pantao?".

Pindutin ang link na ito patungo sa Facebook post ng guro at dito iwan ang iyong sagot.

Siguraduhing naka log-in ka saiyong Facebook account.

Ano ang ibig sabihin ng karapatang pantao?

Ang karapatang pantao ay taglay na mga karapatan at pangunahing mga kalayaan ng tao, nang walang pagkakaiba ng kasarian, nasyonalidad, pinagmulan, relihiyon, wika o anumang iba pang kundisyon. Ang pangkalahatang mga karapatang pantao ay isinasaalang-alang sa batas, mga konstitusyon, kasunduan at, sa internasyunal na batas.

Ang mga karapatang pantao ay itinuturing na unibersal, hindi mailalabas, nakasalalay, pantay, hindi nagtatangi, likas at hindi malalabag, ito ay ipinanganak o pinagsama sa Universal Declaration of Human Rights pagkatapos ng World War II noong 1948.

Ang lahat ng Estado at Bansa ng mundo ay obligadong garantiyahan ang pagsunod at respeto ng mga katawang Estado para sa karapatang pantao, maliban sa mga hindi nag-sign o nag-subscribe sa Universal Declaration of Human Rights, samakatuwid ay inilalapat pa rin nila ang parusang kamatayan sa ang kanilang mga ligal na sistema, at dapat nilang protektahan ang nasabing mga karapatan at garantiya dahil ang anumang kilos na lumalabag dito ay maaaring humantong sa mga parusa para sa mga Estado at kanilang mga opisyal.

Bakit mahalagang pag-aralan ang iba't-ibang uri ng karapatang pantao?

Mayroong higit pa sa 10 mga kadahilanan para sa kahalagahan ng karapatang pantao. Pinapayagan nitong mabuhay ang mga tao nang may dignidad, pagkakapantay-pantay, hustisya, kalayaan at kapayapaan. Ang lahat ng mga tao ay may mga karapatang ito dahil lamang sa tayo ay tao.
Ginagarantiyahan ang mga ito para sa bawat isa, nang walang pagkakaiba ng anumang uri, o ng lahi, kulay, wika, relihiyon, pagkahilig sa politika, kasarian, magkakaibang opinyon, nasyonalidad o pinagmulang panlipunan, kapanganakan, pag-aari o anumang iba pang katayuan.

Para sa dagdag pang-unawa, panoorin ang video na nasa ibaba upang mas maintindihan ninyo ang kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsusulong ng pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daidig. 

Mga uri ng Karapatang Pantao
https://youtu.be/VLnHVGZbW64

Ano sa tingin mo ang iba't -ibang anyo sa paglabag sa karapatang pantao? Anu-ano ang kadalasang epekto nito sa buhay ng tao?  Anu-ano ang mga halimbawa ng pang-aabuso sa pamayanan, bansa at daigdig? Paano nga ba mapapangalagaan ang mga karapatang ito?

Subukan ang maikling pagsusulit na nasa "Task" section.

Task

PARA SA PAUNANG GAWAIN

Pamagat ng gawain: "QUIZ AND TELL"

Panuto:
Sagutan ang 10-item quiz na ito para sa sa inisyal na kaalaman na may kaugnayan sa pangkalahatang aralin. Ito ay maari mong sagutan sa loob lamang ng sampung minuto. Ang mga tanong na nakapaloob rito ay makakatulong sa pagsagot sa ilang mga tanong tungkol sa anyo ng paglabag sa karapatang pantao, epekto ng paglabag sa karapatang pantao, mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan,bansa, at daigdig, at mga pamamaraan sa pangangalaga ng karapatang pantao. Pindutin ang "start a live quiz" pagkatapos makapasok sa link. 

https://quizizz.com/admin/quiz/6071243c667ea6001b4ea711

Note: Bago magpatuloy sa indibidwal at pangkatang gawain, tumungo muna sa "Process" para sa masusing talakayan. Bumalik at ipagpatuloy lamang ito pagkatapos mabaasa lahat ng mga dokumento na nakapaloob sa mga link. 

 

PARA SA INDIBIDWAL NA GAWAIN

Pamagat ng gawain: "TAKE IT ESSAY"

Panuto: 

 

  • Ang bawat estudyante ay inaasahang makagawa ng komprehensibong sanaysay gamit ang kanilang karanasan at kaalaman mula sa binasang mga teksto
  • Ang paksa ay dapat tumatalakay sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang pantao.
  • Ang sanaysay ay naglalaman ng 500-700 na salita.
  • Kanila itong isusumite sa Google Classroom sa itinalagang takdang araw. 

 

PARA SA PANGKATANG GAWAIN

Pamagat ng gawain: "VIDEO-KEY TAKEAWAYS"

Panuto: 

 

  • Ang buong klase ay hahatiin sa limang grupo na mayroong anim na kasapi.
  • Ang video na kanilang bubuoin ay dapat tumatalakay sa; epekto ng paglabag sa karapatang pantao, nagbibigay halimbawa sa paglabag karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig, nakakapagbigay paraan kung paano mapapangalagaan ang karapatang pantao, at nakakapagmumungkahi ng mga paran ng paglutas sa mga paglabag ng karapatang pantao.
  • Gamit ang iba't-ibang app gaya ng Kinemaster, Canva, VivaVideo, inshot, at iba pa. 
  • Ang video ay di lalagpas sa pitong minuto.
  • Pagkatapos nilang maggawa ang video ay kanila itong ipopost sa Facebook gamit ang isang account lamang. 
  • Lagyan ng hashtag na #KarapatanMoIpaglabanMo

Hinihikiyat ang mga kasapi na ishare ito sa mga kakilala sa social media upang mas marami ang makaalam ng mensahe. 

Process

Sa oras na ito ay tapos kana sa sa pagsagot sa unang pagsusulit. Panahon na ngayon upang pag-aralan ang mga paksa para sa sesyon na ito. Ang ating paksa ay tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, ang mga epekto sa paglabag sa karapatang pantao, mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan,bansa, at daigdig,, at mga pamaraan sa pangagalaga ng karapatang pantao. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga teksto na nakapaloob sa mga link ay masasagutan mo ang mga naunang pagsusulit at sa mga susunod pang mga gawain.

ATING TALAKAYIN:

Anyo ng paglabag sa karapatang pantao

 

 

Epekto ng paglabag sa karapatang pantao

 

 

Mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan,bansa, at daigdig

 

Mga Pamamaraan Sa Pangangalaga Ng Karapatang Pantao

 

 

Kung natapos mo nang panoorin at basahin ang mga mahahalagang ideya na nasa itaas, maari mo ng balikan at tapusin ang indibidwal at pangkatang gawain na nasa "Task" section. Ang mga pamantayan sa pagganap ay nasa "Evaluation" part. 

Evaluation

Para sa paunang pagsusulit, dahil natapos munang basahin at panoorin ang mga impormasyong nakapaloob sa mga link, ikaw ay inaasahang makakasagot na sa mga tanong naiyong nabasa sa gawaing "QUIZ AND TELL".

 

Para sa indibidwal na gawain, narito ang pamantayan sa paggawa ng sanaysay o essay. Inaasahang ikaw at makakatugon sa bawat kategorya na kinakailangan ipamalas sa gawaing "TAKE IT ESSAY".

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG SANAYSAY
KATEGORYA PORSYENTO KAHANGA-HANGA (4) MAGALING (3) KATAMTAMAN (2) PAGBUTIHIN PA (1)
Introduksyon 15% Nakakapanghikayat ang panimula. Nakapagbibigay ng paunang ideya tungkol saan ang paksa na tatalakayin.  Nakapagbibigay ng paunang ideya tungkol saan ang paksa na tatalakayin. Hindi gaanong nakapagbibigay ng paunang ideya tungkol saan ang paksa na tatalakayin. Malabo ang paunang ideya upang kung saan tungkol ang paksa na tatalakayin.
Diskusyon/Argumento 30% Makabuluhan ang bawat talata dahil lahat ng argumento tungkol karapatang pantao ay matibay. Mahusay na pagkasunod-sunod ng mga ideya.  Makabuluhan ang ibang talata dahil sa ginamit na ilang matibay na argumento tungkol karapatang pantao. Mahusay na pagkasunod-sunod ng mga ideya.  Hindi gaanong makabuluhan ang ibang talata dahil sa ginamit na ilang argumento tungkol karapatang pantao. Hindi sapat ang mga argumento o ideya na nakaploob sa sanaysay. 
Makabagong ideya 30% Nakakapagbigay ng mga panibagong ideya tungkol sa mga naganap sa isyu ng karapatang pantao. Ang mga pangyayari binigyan ng implikasyon at posibleng solusyon. Nakakapagbigay ng mga panibagong ideya tungkol sa mga naganap sa isyu ng karapatang pantao.  Hindi gaanong nakapagbigay ng mga panibagong ideya tungkol sa mga naganap sa isyu ng karapatang pantao.  Walang panibagong ideya tungkol sa mga naganap sa isyu ng karapatang pantao. 
Konklusyon 15% Maayos na naibuod ang pangkalahatang nilalaman ng argumento o sanaysay. Nakakpanghamon ang mga salitang ginamit sa pagtatapos ng sanaysay.  Maayos na naibuod ang pangkalahatang nilalaman ng argumento o sanaysay.  Hindi gaanong maayos na naibuod ang pangkalahatang nilalaman ng argumento o sanaysay.  Walang maayos na pagkakabuod sa pangkalahatang nilalaman ng argumento o sanaysay. 
Mekaniks/Gamit 10% Tamang paggamit ng mga salita, bantas, kapitalisasyon at pagbaybay. Walang pagkakamaki sa estruktura ng pangungusap. Tamang paggamit sa ibang salita, bantas, kapitalisasyon at pagbaybay. Walang gaanong pagkakamaki sa estruktura ng pangungusap. Hindi gaanong tama ang paggamit sa ibang salita, bantas, kapitalisasyon at pagbaybay. May mga pagkakamaki sa estruktura ng pangungusap. Maraming mali sa paggamit sa ibang salita, bantas, kapitalisasyon at pagbaybay. Maraming pagkakamaki sa estruktura ng pangungusap.

 

Para sa pangkatang gawain, narito ang pamantayan sa paggawa ng video o video making. Inaasahang ikaw at makakatugon sa bawat kategorya na kinakailangan ipamalas sa gawaing "VIDEO-KEY CONCEPT".

PAMANTAYAN PAGGAWA NG VIDEO
KATEGORYA PORSYENTO KAHANGA-HANGA (4) MAHUSAY (3) KATAMTAMAN (2) PAGBUTIHIN PA (1)
Nilalaman 25% Detelyadong natatalakay ang lahat ng salik na may kauganayan sa paksa. Ang lahat ng mga impormasyon na nasa video ay mula sa diskusyon at pananaliksik ay hindi purong sariling opinyon lamang. Maraming mga hindi inaasahang detalye ang nadagdag.   Detelyadong natatalakay ang lahat ng salik na may kauganayan sa paksa. Ang lahat ng mga impormasyon na nasa video ay mula sa diskusyon at pananaliksik ay hindi purong sariling opinyon lamang.  Hindi gaanong detelyadong natatalakay ang ibang salik na may kauganayan sa paksa. Ang ibang impormasyon na nasa video ay mula sa diskusyon at pananaliksik at hindi purong sariling opinyon lamang.  Kulang at hindi detelyado ang pagkakatalakay sa ibang salik na may kauganayan sa paksa. Ang ibang mga impormasyon na nasa video ay mula sa diskusyon at pananaliksik ngunit nanalaytay ang sariling opinyon.
Organisasyon / Pagkakasalaysay 25% Maayos at lohikal na pagkasunod-sunod sa mga impormasyon. Maliwanag ang pagkakasalita na may kombiksyon.  Maayos at lohikal na pagkasunod-sunod sa mga impormasyon. Maliwanag ang pagkakasalita.  Hindi gaanong maayos at lohikal na pagkasunod-sunod sa mga impormasyon. Maliwanag ang pagkakasalita.   Kulang at hindi lohikal ang pagkasunod-sunod sa mga impormasyon. Hindi maliwanag ang pagkakasalita.
Orihinalidad / Makabagong ideya 20% Makabago ang istilong ginamit sa pagpresenta sa video. Maraming mga nabuong bagong ideya mula sa mga sangay na natalakay.  Makabago ang istilong ginamit sa pagpresenta sa video. May ibang nabuong bagong ideya mula sa mga sangay na natalakay.  Hindi gaanong makabago ang istilong ginamit sa pagpresenta sa video. May iilang nabuong bagong ideya mula sa mga sangay na natalakay ngunit kulang.  Luma at nakakumay ang istilong ginamit sa pagpresenta sa video. Walang mga nabuong bagong ideya mula sa mga sangay na natalakay. 
Pagkamalikhain 10% Ang mga tunog, litrato, at ibang mga materyales na ginamit at nakikita sa video ay nakakahikayat sa mga manunuod. Ang mga nabanggit na salik ay may malaking koneksyon at mas lalong nagpapalakas sa nilalamang mensahe ng video.  Ang mga tunog, litrato, at ibang mga materyales na ginamit at nakikita sa video ay nakakahikayat sa mga manunuod. Ang mga nabanggit na salik ay may malaking koneksyon at ginagampanan sa video.  Ang mga tunog, litrato, at ibang mga materyales na ginamit at nakikita sa video ay hindi gaanong nakakahikayat sa mga manunuod. Ang mga nabanggit na salik ay may koneksyon at ginagampanan sa video.  Ang mga tunog, litrato, at ibang mga materyales na ginamit at nakikita sa video ay hindi nakakahikayat sa mga manunuod. Ang mga nabanggit na salik ay may walang koneksyon at ginagampanan sa video. 
Paggamit ng mga pananaliksik o ibang mga mapagkukunan 10% Ang lahat ng mga ginamit na argumento, pananaliksik, at iba pang detalye na galing sa ibang pag-aaral ay tinukoy. Ang lahat ng mga ginamit na impormasyon sa video ay tama at may matibay na suporta sa talakayan.  Ang ibang mga ginamit na argumento, pananaliksik, at iba pang detalye na galing sa ibang pag-aaral ay tinukoy. Ang ibang mga ginamit na impormasyon sa video ay tama at may matibay na suporta sa talakayan.  Ang mga ginamit na argumento, pananaliksik, at iba pang detalye na galing sa ibang pag-aaral ay hindi gaanong tinukoy. Ang ibang mga ginamit na impormasyon sa video ay tama ngunit kulang sa matibay na suporta na nagagamit sa talakayan. Ang lahat ng mga ginamit na argumento, pananaliksik, at iba pang detalye na galing sa ibang pag-aaral ay hindi tinukoy. Ang ibang ng mga ginamit na impormasyon sa video ay mali at hindi matibay upang suportahan ang talakayan. 
Produksyon 10% Mahusay at malinis ang mga kuha, anggulo, at pagkaka-edit sa video. Ang mga sound effects ay nakakahikayat sa mga manunuod.  Mahusay at malinis ang ibang mga kuha, anggulo, at pagkaka-edit sa video. Ang mga sound effects ay nakakahikayat sa mga manunuod.  Hindi gaanong ahusay at malinis ang mga kuha, anggulo, at pagkaka-edit sa video. Ang mga sound effects ay hindi masyadong nakakahikayat sa mga manunuod.  Hindi klaro at malinis ang lahat ng mga kuha, anggulo, at pagkaka-edit sa video. Ang mga sound effects ay nakakaumay sa mga manunuod. 

 

Conclusion

Bilang isang mag-aaral, nararapat lamang na ating buksan ang ating mga isipan tungkol sa mga karapatang pantao. Mahalagang isaisip na ang pang-aabuso sa ating karapatang pantao ay nagsisimula sa ating hindi pag-alam, paggamit at pag protekta nito. Ang mga aralin na tinalakay rito ay may malaking kontribusyon sa pagmulat sa ating kaisipan sa mga nangyayari sa ating kapaligiran na may kinalaman sa pang-aabuso sa mga karapatan natin bilang tao. Lahat ng mga gawain ay nakakatulong upang mas mapalawig pa kaalaman ng mga estudyante, mambabasa, at manunuod. 

Credits

General Note: I do not own any content on this page (except on the quiz part) that is subject to copyright.

Ibang link na maari mong panoorin na tumatalakay sa karapatang pantao

 

Ibang link na maaari mong basahin na tumatalakay sa karapatang pantao

Kasaysayan ng karapatang pantao

Mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao

 

Paano gumawa ng mahusay na sanaysay?

 

Paano gumawa ng video gamit ang isang app?

 

 

Mga link na naggamit:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Teacher Page

Hello!

Kung ikaw ay may katanungan, suhestiyon at nais malaman, maari kang magpadala ng mensahe sa mga personal na impormasyon ng guro na nasa ibaba. 

Salamat!

Email: sua.ces@pnu.edu.ph/suaramirez84@gmail.com

Phone number: 09100877475

Facebook: https://www.facebook.com/suaramirez84
https://www.facebook.com/profile.php?id=100009165036471

 

Carl Eduard Sumalinog Sua

Bachelor in Social Studies-III

Philippine Normal University-Mindanao