Mga Isyu sa Karapatang Pantao

Introduction

Bilang isang tao, alam mo ba ang iyong mga karapatan? Alam mo ba kung ano ang ibigsabihin ng karapatang pangtao?

               Bilang isang mamamayan mahalaga na alam mo ang sagot sa mga katanungang tulad nito. Mahalaga na alam mo ang iyong karapatan bilang isang tao at dapat  alam mo kung ano ang tunay na ibigsabihin nito.

               Alam mo ba kung bakit may mga isyu sa karapatang pantao?  Ito ay sakadahilanang may mga taong walang alam o kulang ang kanilang kaalaman patungkol sa kanilang mga karapatan? Sila ang mga taong madalas na nilalamangan at minsan hindi nila namamalayan na inaapakan na pala ang kanilang mga karapatan. Sa kabilang banda, kung wala kang alam patungkol sa karapatang pantao maari ring ikaw mismo ang magkamali, makagawa ng mali sa iyong kapwa na hindi mo alam at wala sa iyong intensnyon. Kaya mahalaga na may alam ka.

               Sa araling ito, tatalakayin natin kong ano ang Karapatang panato at ang mga uri nito, mga halimbawa, konsepto ng paglabag sa karapatan pantao at ang mga epekto nito.

              Ano pa ang iyong hinihintay? halina at simulan ang talakayan upang ikaw ay matuto!

 

Tandaan: Huwag laktawan ang anumang parte ng talakayan. Sundin ang mga panuto upang hindi malito.

Task

MAG LARO MUNA TAYO!

Bago muna tayo mag simula sa ating talakayan gawain mo muna ang activity na ito. Ang gawaing ito ay susukat ng iyong dating kaalaman sa paksa at bibigyan ka nito ng isang pangkalahatang ideya sa ating Paksa.

https://create.kahoot.it/share/dula-sa-ta/3a9b7268-45e9-452c-9ca6-db912bb44320

 

Process

Magaling! ngayun natapos munang sagotan ang gawain magpatuloy na tayo sa ating talakayan.

 I-click ang ibinigay na mga link sa ibaba at tignan ang mga video para sa talakayan. 

Ano ang karapatang pantao? 

 Basahin at unawaing mabuti-     KARAPATANG PANTAO (slideshare.net)

Uri ng karapatang pantao

 

     https://youtu.be/rRCy4YQWXv8

 

1. Indibidwal o personal na karapatan – ito ay mga karapatan na pag-aari ng isang indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.

a.Karapatang Sibil – karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.

b.Karapatang Pulitikal – karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan.

c.Karapatang Panlipunan – karapatan mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan

d.Karapatang Pangkabuhayan – karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.

e.Karapatang Kultural – karapatan ng tao na lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

2.Panggrupo o kolektibong karapatan – ito ay mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan upang isulong angpanlipunan, pangkabuhayan at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.

 

KONSEPTO NG PAGLABAG SA KARAPATAN

Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao ay ang karapatang mabuhay ng may dignidad.

MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

1.Pisikal na paglabag sa Karapatang Pantao. Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao.

2.Sikolohikal o emosyonal na paglabag sa Karapatang Pantao. Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng traumasa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa ang pagtingin niya sa kanyang sarili.

3.Istruktural. Ito ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kalayaan sa lipunan at wala siyangkapangyarihang magdesisyon para sa sarili, pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig.

Anyo ng paglabag sa karapatang pantao.

Basahin at unawaing mabuti- Ibat iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pisikal sikolohikal | Course Hero

 

 

Epekto ng paglabag sa karapatang pantao.

Basahin at unawaing mabuti- Ang Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao - MyInfoBasket.com

MGA HAKBANG UPANG MABIGYAN NG PROTEKSYON LABAN SA PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO

1.Pagdulog sa mga lokal na hukuman.

2.Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice)

3.Edukasyon para sa karapatang pantao.

4.Pagsasabuhay ng karapatang pantao.

 

 

Mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig.

Basahin at unawaing mabuti-

Evaluation

Magaling, iyo nang natapos ang talakayan! 

Ngayun atin namang sukatin ang iyong kaalaman patungkol sa ating pinag-aralan natin.  Gumawa ng isang malikhaing  sanaysay patungkol sa karapatang pantao, mga isyu patungkol dito, at kung paano ito masosolusyunan.  (Minimum 350 words)

Narito ang rubriks.

 

 

Kategorya

Higit na Inaasahan

(20)

Nakamit ang Inaasahan

(15)

Bahagyang Nakamit ang Inaasahan

(10)

Hindi Nakamit ang Inaasahan

(5)

Walang Napatunayan

(0)

Iskor

Introduksyon

Nakapanghihikayat ang introduksyon. Malinaw na nakalahad ang pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.

Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.

Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa subalit hindi sapat ang pagpapaliwanag ukol dito.

Hindi malinaw ang introduksyon at ang pangunahing paksa. Hindi rin nakalahad ang panlahat na pagpapaliwanag ukol dito.

*Hindi nakita sa ginawang sanaysay.

 

Diskusyon

Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa.

Bawat talata ay may sapat na detalye

May kakulangan sa detalye

Hindi nadebelop ang mga pangunahing ideya

*

 

Organisasyon ng mga Ideya

Lohikal at mahusay ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya; gumamit din ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.

Naipakita ang debelopment ng mga talata subalit hindi makinis ang pagkakalahad

Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap na nadebelop.

Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay.

*

 

Konklusyon

Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang palagay o paksa batay sa katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

Naipakikita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

Hindi ganap na naipakita ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

May kakulangan at walang pokus ang konklusyon

*

 

Mekaniks

Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

Halos walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

Maraming pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

Napakarami at nakagugulo ang mga pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

   

Gamit

Walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Halos walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Maraming pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Napakarami at nakagugulo ang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

*

 

Kabuuan

   

 

 

Conclusion

Ngayun na alam mo na kung ano ang karapatan mo bilang isang tao,  mga ibat-ibang isyu sa karapatang pantao,anyo ng mga paglabag sa karapatang pantao, mga epekto nito. Naway mabigyan mo ito nang halaga at hindi mo ito makakalimutan at gamitin mo ang iyong natuntunan sa spagsusulong ng pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daidig. Maraming salamat, ingat!

Credits
Teacher Page

Name: Honey Jane B. Cabusas

Program: Bachelor in Social Studies Education

School: Philippine Normal University Mindanao

Facebook: Honey Jane Cabusas

Contact:  cabusas.hjb.pnu.edu.ph