Mga Isyu sa Karapatang-Pantao

Introduction

Ano ang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig mo ang salitang karapatan? Karapatang- pantao? Alam mo ba ang mga karapatan mo bilang tao sa mundo?

Ang karapatan ayon sa United Nations ay likas sa tao anuman ang pinanggalingan, kasarian, paniniwala, katayuan sa buhay, at nasyonaliad. Maraming isyu ang nakapaligid sa karapatang-pantao sa buong mundo, at ang Pilipinas ay hindi eksepsiyon. Mula pa noong una, ang Pilipinas ay nagdusa ng mga paglabag sa karapatang-pantao galing sa mga mananakop na Espanyol, Amerikano, at Hapon. Nang makamit ang kalayaan, ang pagdurusa ay hindi natapos nang mapaupo si Ferdinand Marcos at ginamit ang kaniyang kapangyarihan upang abusuhin ang mga mamamayan at manatili sa itaas ng bansa. Sa ngayon naman, ang ating Pangulong si Rodrigo Duterte ay inaakusahan ng iba-ibang organisasyon at mga bansa sa mundo na nilalabag ang mga karapatang-pantao ng mga Pilipino dahil sa kaniyang war-on-drugs.

Gusto mo bang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa karapatang-pantao? Ipagpatuloy ang aralin na ito.  

Upang maliwanagan tungkol sa isyung pumapalibot sa karapatang-pantao, matututunan mo sa araling ito ang anyo, epekto, at halimbawa ng karapatang pantao. Inaasahang mauunawaan mo ang kahalagahan nito sa paglunsad ng respeto at pagkakapantay-pantay ng bawat tao, at makapag-paplano at makapagmumungkahi ng paraan upang maturuan ang mga mamamayan na mapangalagaan at maprotektahan ang kanilang karapatan at maiwasan na ito ay malabag ninuman. 

Tandaan: Huwag laktawan ang kahit na anong parte ng talakayan upang masigurado na matututunan mo ang layunin ng araling ito. Sundin ang mga panuto. 

Task

Bago tayo magpatuloy sa pormal na talakayan, bisitahin at isagawa ang gawain na nakapaloob sa kahon na ito. Susukatin ng aktibidad ang iyong salansan at dating kaalaman tungkol sa paksa. Ito ay makapaglilinaw at makapagbibigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa topiko upang mas maintindahan ang leksyon. 

Pindutin ang link at mag-enjoy!

https://kahoot.it/challenge/950c7f72-078d-480b-9a6f-0e8d381b60ac_1618477825460

Tandaan: Huwag magpunta sa ibang seksyon ng webquest na ito kapag hindi pa nagawa o natapos sa pagsagawa ng gawain na ibinigay. 

Process

Mahusay!

Binabati kita at natapos mo ang gawain! Ngayon ay ipagpatuloy na natin ang talakayan. 

Pindutin at bisitahin ang mga link sa ibaba at panoorin ang mga bidyo para sa aralin ngayon. Ang mga link na nakapaloob ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sumusunod:

Karapatang-pantao

  1. Ano ang karapatang-pantao?
  2. Ano ang klasipikasyon o mga uri ng karapatang-pantao?
  3. Ano ang kahalagahan ng pangangalaga ng sariling karapatan? 

https://slideplayer.com/slide/14641883/

https://www.scribd.com/presentation/445181060/Yunit-III-Mga-Isyu-sa-Karapatang-Pantao-at-Gender-pptx

Panoorin ang bidyo tungkol sa paksa.

Anyo at epekto ng paglabag sa karapatang-pantao sa panahon ng:

  • Kolonisasyon
  • Pakikibaka ng mga Comfort Women 
  • Ang mga Jew at ang Holocaust
  • Paglabag sa karapatang ng mga Katutubo
  • Iba pang paglabag gaya
  • Diktatura

https://www.slideshare.net/anielyndorongon/group-5-orchid-ibat-ibang-epekto-at-anyo-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao

Halimbawa ng paglabag sa karapatang- pantao.

https://prezi.com/zptaj11wa_7h/mga-halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-sa-bansa-at-daigdig/

Mga paraan sa pangangalaga ng karapatang-pantao, panoorin:

Panoorin, buod ng aralin:

Evaluation

Pagkatapos basahin at panoorin ang nilalaman ng aralin, inaasahang nauunawaan na ang mga konsepto ng karapatang-pantao. 

Para sa evaluation, pindutin ang link para sa karagdagang impormasyon: 

https://forms.gle/CZCAFB2P9s4mush19

Para sa rubriks, bisitahin ang link: 

https://www.coursehero.com/file/47365413/RUBRICS-7docx-651580625docx/

Conclusion

Ang karapatang-pantao ay dapat malaman ng lahat upang maprotektahan at mapangalaagaan ang sarili mula sa mga mapang-abuso. Bilang likas sa tao, ang pagiging maalam tungkol dito ay magkakaroon ng gabay sa mga pagsubok na haharapin sa buhay. Isa sa ating tugkulin ang mapangalagaan ito upang hindi labagin ninuman. 

Sa wakas at tapos na tayo sa ating aralin, nawa'y gamitin mo ang iyong kaalaman sa pagsulong ng karapatang pantao upang makamit ang kapayapaan, respeto, at pagkapantay-pantay sa lipunan at buong mundo.

Binabati kita, salamat! 

Credits
Teacher Page

Name: CYRIL JANE A. SEGUAR

Program: BACHELOR IN SOCIAL STUDIES EDUCATION

School: PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY-MINDANAO

Facebook: Cyril Jane Seguar

Contact E-mail address: seguar.cja@ppnu.edu.ph

Contact number: 09463097914 I 09533972143