Name: Khris Mick P. Rojas
Program: Bachelor in Social Studies Education
School: Philippine Normal University Mindanao
Contact information: rojas.khmp@pnu.edu.ph
#: 09506809532
KARAPATANG PANTAO
Ang karapang pantao sa Pilipinas ay tumutukoy (ngunit hindi limitado) sa karapatang sibil at political ng bawat Pilipino na pinagtibay ng 1987 Saligang Batas. Nakasaad dito na ang karapang pantao ay pangkalahatan, hindi maipagkakait, at hindi mahahati dahil mabisa at tuluyang umuunlad para tugunan ang mga lumalaking pangangailangan at inspirasyon ng bawat tao.
Ang mga karapatang pantao ay mahalagang tumutukoy sa atin bilang isang indibidwal at isang tao. Ito ang na-establish natin na mahalaga sa atin saan man tayo isinilang, kung gaano karaming yaman ang ibinigay sa atin ng ating pamilya, kung paano tayo lumaki, atbp.
Sa kasalukoyan, may iba't-ibang isyu parin sa Karapatang Pantao ang nagyayari hindi lang sa bansa natin kundi pati narin sa iba't-ibang lugar.
Sa araling ito, tatalakayin natin at bibigyang halaga ang Isyung Pangkalipunan na tumutukoy sa Mga Isyu sa Karapatang Pantao.
Bago muna tayo mag simula sa ating talakayan gawin mo muna ang gawaing ito. Ang gawaing ito ay magiging sukatan ng iyong mga natutunan sa mga nakaraang talakayan.
Panuto: Panoorin ang video at sagutan ang katanungang nakasulat sa Quizizz link: https://quizizz.com/admin/quiz/627a8d4443dc31001d226edf
Video:
At dahil na tapos mo ang unang gawain, tingin ko ay handa kana sa panibagong paksa na ating tatalakayin! Ang panibagong paksa na ating tatalakasyin ay tungkol sa Karapatang Pantao, ilang halimbawa ng paglabag sa Karapatang Pangtao at and epekto nito sa bawat isa maging sa kabuohan ng isang pamayanan at bansa. E click ang link at basahin, at intindihin ng mabuti ang mga teksto para sa susunod na gawain.
Tara umpisahan na natin.
1. Ang Karapatang Pantao
https://tl.warbletoncouncil.org/derechos-humanos-165
2. Anyo ng paglabag sa karapatang pantao
Araw araw, maraming nangyayaring paglabag sa karapatang pantao ang napapabalita. Narito ang iba’t ibang anyo ng paglabag.
Mga kasama dito:
- Ang pananakit at pagsugat sa katawan ng tao. Ang pagdukot, pambubugbog, pagputol sa anumang parte ng katawan o mutilation lalo na ang pagkitil sa buhay.
- Ang seksuwal na pananakit tulad ng rape, pagsasamantala, domestic violence
- Ang pagkulong ng mahigit sa 24 na oras nang walang anumang sakdal at torture sa mga napagbibintangang kriminal upang sila ay mapilitang umamin sa krimen (police brutality)
- Extrajudicial killing at extralegal killing sa mga napagbibintangang kriminal o kaaway ng pamahalaan
Mga kasama dito:
- Pag-aaway ng mag-asawa, magkamag-anak, o magkaibigan na nauuwi sa sigawan at pagbibitaw ng masasakit na salita
- Panlalait at pang-aalipusta na nagdudulot ng trauma sa isang tao
- Ang simpleng tuksuhan at asaran sa paaralan na nauwi sa bullying. Malimit ito ay nagpapatuloy sa social networking site o tinatawag na cyberbullying
- Pananakot upang mapilit ang tao na gumawa ng isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan
Ito ay nagaganap dahil sa mga estrukturang umiiral sa ating pamahalaan at alituntunin o batas na ipinatutupad dito.
Halimbawa:
- may mga serbisyo ang ating pamahalaan na hindi naipaparating sa mahihirap na mamamayan na naninirahan sa mga probinsiya dahil ang mga lugar na ito ay mahirap marating.
- Pagkakaroon ng antas ng lipunan kung saan ang mga nabibilang sa mataas na antas at ang nakaririwasa ay mabilis nabibigyan ng atensiyon at preferential treatment samantalang ang mga ordinaryong mamamayan ay hindi mabigyan ng kaukulang atensiyon.
3. Epekto ng paglabag sa karapatang pantao
Ang Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao - MyInfoBasket.com
4. Mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig
Mga Halimbawa Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig - MyInfoBasket.com
At dahil na tapos mo nang basahin ang mga teksto. Ngayon ay sukatin na natin ang iyong kaalaman at natutunan patungkol sa mga teksto na iyong nabasa. Gumawa ng isang sanaysay na naglalahad kung papano natin masolusyonan ang mga isyu sa karapatang pantao. (Minimum 400 words)
Narito ang rubriks
Mahusay, Binabati Kita! Natapos mo na ang lahat ng gawain para sa paksang ito. Laging tandaan na ang iyong mga kaalaman na nakuha sa paksang ito ay maaaring gamitin sa hinaharap. Bigyan natin ng kahalagahan ang mga iba't-ibang karapatang pantao. Respetohin mo ang lahat ng tao, kapamilya mo man, kaibigan, bata, at babae, lahat ay bigyan ng pantay-pantay na pag respeto at pag galang.
Maraming Salamat!
Name: Khris Mick P. Rojas
Program: Bachelor in Social Studies Education
School: Philippine Normal University Mindanao
Contact information: rojas.khmp@pnu.edu.ph
#: 09506809532