Mga Perspektibo o Pananaw ng Globalisasyon

Introduction

Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang  mga mag-aaral ay inaasahang:

            • Nasusuri ang ibat ibang perspektibo o pananaw ng globalisasyon bilang isyung panlipunan.

Ano ang Globalisasyon.....

       Ang Globalisasyon ay isang makasaysayang proseso ng pagsasama-sama ng mundo sa mga pang-ekonomiyang, pampulitika, teknolohikal, sosyal at kulturang pang-kultura , na naging sulok sa mundo sa isang lalong magkakaugnay na lugar. Binago ng proseso ng globalisasyon ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa at mga asignatura, at nakabuo ng isang malaking epekto sa pang-ekonomiya (merkado sa paggawa, pang-internasyonal na kalakalan), pampulitika (pagtatatag ng mga demokratikong sistema, paggalang sa karapatang pantao) at , pag-access sa edukasyon, teknolohiya, bukod sa iba pa.

      Sa ekonomiya, ang globalisasyon ay nagsasangkot ng mga kalakal at serbisyo, at ang mga mapagkukunang pang-ekonomiya ng kapital, teknolohiya, at data. Ang steam locomotive, steamship, jet engine, at container ships ay ilan sa mga pagsulong sa paraan ng transportasyon habang ang pagtaas ng telegrapo at ang mga modernong supling nito, ang Internet at mga mobile phone ay nagpapakita ng pag-unlad sa imprastraktura ng telekomunikasyon. Ang lahat ng mga pagpapabuti ay naging pangunahing mga kadahilanan sa globalisasyon at nakalikha ng karagdagang pagsasama ng mga pang-ekonomiya at pangkulturang aktibidad sa buong mundo.

      Upang higit na maunawaan ang globalisasyon bilang isang kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito.

      May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan ng globalisasyon.

      Una ay ang paniniwalang ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.

      Ang pangalawang pananaw o perspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang ibat ibang siklong pinagdaanan nito.

     Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na wave o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon at ito’y makikita sa talahanayan.

                                            PANAHON

                                           KATANGIAN

Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century)

Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)

Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century)

Pananakop ng mga Europeo

Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na siglo (late 18th-early 19th century)

Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa globalisasyon

Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918

Rurok ng Imperyalismong Kanluranin

Post-World War II

Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal particular ang komunismo at kapitalismo.

Post-Cold War

Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbigaydaan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pang pangunguna ng United States.

       Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:

• Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)

 • Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman

 • Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo

 • Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America

• Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon

• Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo

      Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo nang unang ginamit ang telepono noong 1956 o nang lumapag ang transatlantic passenger jet mula New York hanggang London. Maaari rin namang nagsimula ito nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite ng taong 1966. Mayroon ding nagsasabi na ang globalisasyon ay nagsimula noong taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang global na daigdig.

     Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

     Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang:

1. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kanyang lakas-militar nang talunin ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang pandaigdig, naungusan ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sakupin ang mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (taong 1960-1970).

2. Paglitaw ng mga multinational at transnational companies (MNCs and TNCs) Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang bansa particular sa mga developing nations. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ford at General Motors. Dati’y mamimili ng sariling bansa ang pokus ng mga kompanyang ito subalit sa kasalukuyan ay malaking bahagdan o porsyento ng kanilang kita ay nanggagaling sa mga bansa sa Asya at Latin America.

3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Sinasabing ang pagbagsak ng Iron Curtain at ng Soviet Union noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. Matapos ang pangyayaring ito’y mabilis na nabura ang markang naghahati at naghihiwalay sa mga bansang komunista at kapitalista. Pumasok ang mga multinational companies (MNCs) sa mga bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia. Nagbukas ang mga bansang ito sa migrasyon, media, turismo at ugnayang panlabas.

Task

  Pagyamanin

Pang-isahang gawain

Gawain 1. Ayusin ang pangungusap ayon sa pagkasunod-sunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gamitin ang numerong 1-5.

_______ Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.

_______ Ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

_______ Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.

_______ Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.

_______ Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na wave o epoch o panahon.

 

Gawain 2. ISALAYSASAY MO!

    Gabay ang mga sumusunod na tanong, ang mag-aaral ay inaasahan na makagagawa ng isang sanaysay na binubuo ng 150 na salita. Pipili ang guro ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawa.

1.  Ayon sa Pangatlong Pananaw ng Globalisasyon. Anu-ano ang anim na wave o epoch o panahon ayon kay Therborn?  Paano nakatulong ang papanaw ng globalisasyon upang mabago ang pamumuhay ng mga tao?

2. Bakit sinasabing matagal ng may globalisasyon? Maglahad ng mga perspektibo na magsasabing matagal ng may globalisasyon ? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Process

Upang mas lubos na maunawaan, narito ang isang maikling video tungkol sa mga perspektibo o pananaw ng globalisasyon. 

Batay sa inyong napanuod na video, ano ang iyong natutuhan?

Ano ang isang hamon pandaigdig dulot ng globalisasyon?

Evaluation

Pagtataya

I. Multiple Choice.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay proseso ng interaksyon at integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado.

A. Globalisasyon                     C. Unemployment

B. Migrasyon                          D. Implasyon

2. Sino ang nagsasabing ang globalisasyon ay manipestasyon ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipaglaban at magpakalat ng pananampalataya.

A.  Nayan Chanda                  C. George Ritzer

B. Thomas Friedman               D. Macromer Luis

3. Pang-ilang pananaw ang nagsasaad na ang globalisasyon ay may anim na wave o epoch.

A. Una                                                C. Pangatlo

B. Pangalawa                          D. Pang-apat

4. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Pang-ilang pananaw ito?

A. Unang pananaw                 C. Ikatlong pananaw

B. Ikalawang pananaw                         D. Ikaapat na pananaw

5. Bakit pinaniniwalaang ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa?

A. Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon

B. Sa paglago nito, kaalinsabay ang pagdating ng mga BPO

C. Manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan.

D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan at tumaas ang kalidad ng produkto.

Credits
Teacher Page

           Nagmula sa lalawigan ng Quezon ako si Nania, Jasmin M. Ang lumikha ng webquest na ito. Mula sa mga impormasyon na galing sa internet ay aking pinagsama-sama ang mahalagang impormasyon upang makabuo ng isang plano upang madebelop ang potensiyal ng mga mag-aaral. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa ilalim ng programang Bacherlor of Secondary Education major in Social Studies. Kasalukuyang estudyante sa College of Sciences, Technology and Communications Inc. Sariaya, Quezon. Nawa’y pagpalain tayo ng Panginoon.