Introduction
Ano ang Nobela?
Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
https://youtu.be/vUXOg8H7hJ8
Layunin
- gumising sa diwa at damdamin
- nananawagan sa talino ng guni-guni
- mapukaw ang damdamin ng mambabasa
- magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
- nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
- nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
- nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Katangian
- pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
- dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
- pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
- kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
- maraming ligaw na tagpo at kaganapan
- ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
- malinis at maayos ang pagkakasulat
- maganda
- maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Task
Inaasahan na pagkatapos ng araling ito na makapag gawa ng repleksyon tungkol sa Nobelang Florante at Laura.
Process
Kailan nagsimula ang Nobela?
Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa Wikang Tagalog, Wikang Pilipino, o Wikang Filipino, iba pang iba pang wika sa Pilinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at Kastila.
Mga impluwensiya sa pagsulat ng Nobelang Pilipino
Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugine Sue, ang Conde de Montecristo (1844–46) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexander Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.
Kasaysayan ng Nobelang Pilipino
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Panahon ng Kastila:
Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
Mga uri ng nobela sa panahon ng kastila:
- Nobelang panrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-asal
- Nobelang mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo
Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:
- Noli Me Tangere at El Filibustirismo ni Dr. Jose Rizal na tungkol sa paghihimagsik
- Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon
- Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon
- Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
- Ninay ni Pedro Paterno (unang nobela)
- Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaina noong panahon ng propaganda na tungkol sa paghihimagsik at pag - aaklas
Mga nobela sa Pilipinas
Mga kinathang nobela ng mga Pilipinong manunulat:
- Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos
- Kanal dela Reina ni Liwayway Arceo
- Kangkong 1896 ni Ceres Alabado
- Bata, Bata.... Paano ka ginawa?..... (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
- Nena at Neneng niValeriano Hernandez Peña
- Gapô (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
- Mag-anak na Cruz ni Liwayway Arceo
- Titser ni Liwayway Arceo
Evaluation
Mga Gabay na Tanong
1.Ano-anong mabuti at kapakipakinabang ang maaaring idulot ng nobela salipunan?
2. Mabuti lamang ba ang maaaring idulot ng nobela sa lipunan?
3. Nakatutulong nga ba ang nobelang ito sa mga mambabasa?
4.Mayroon nga bang magandang naidudulot ang akda sa lipunan?
5. Ano ang kahalagahan ng akdang ito sa lipunan?
6. Kapakipakinabang ba ang akdang ito sa lahat ng tao lalo na samamamayan ng bansang pinanggalingan ng akda?
Credits
Teacher Page
This WebQuest was Created by:
Chrisia D. Perez
Student of CSTC Sariaya