Introduction
Ano ang mga uri ng mga tula sa panahon ng mga hapon?
Ang layunin niyo ay malaman ang mga uri ng tula sa panahon ng hapon.

Task
Ang unang gawain ay pumunta sa silid-aklatan at magsaliksik sa mga uri ng tula sa panahon ng hapon.
Upang mas mapadali ng paghahanap ng libro ito ang link ng OPAC ng BSU:
http://catalog.bsu.edu.ph/common/servlet/presenthomeform.do?l2m=Home&tm=Home&l2m=Home
Maaaring gamitin na aklat: Abueg, E. R. (2012). Ang Sining at kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas.
Process
Ang mga nasaliksik ay isulat sa kwaderno na nakalaan sa asignaturang ito at intindihin ang nakapaloob na paglalarawan.
Gumawa ng sariling tula sa bawat uri ng tula sa panahong iyon.
Ang dalawang tula ay ang Haiku at ang Tanaga.
Evaluation
| Talinhaga | 20 |
| Sukat at tugma | 10 |
| Lahat | 30 |
30 na puntos sa bawat tula
Kaya gandahan ang paggawa ng tula dahil ayon nga kay Julian Cruz Balmaceda,
“Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan- ang tatlong bagay na magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
Conclusion
Mahusay! Nakagawa ka ng sarili mong tula sa bawat uri ng tula sa panahon ng mga hapon, ito ay ang Haiku at Tanaga. Upang malinang pa ang kakayahan sa paggawa ng tula ay ugaliing magsulat kapag walang masyadong ginagawa para sa mga susunod pang gawain.

Credits
Librong nagamit:
Abueg, E. R. (2012). Ang Sining at kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas.
Sanggunian sa website:
https://www.slideshare.net/bernadette_villanueva/katuturan-ng-tula-at-sangkap
Teacher Page
Ang WebQuest na ito ay para madiskubre ng mga mag-aaral ang mga uri ng tula sa panahon ng Hapon. Pagkatapos ng WebQuest na ito ay nakagawa na sila ng tula sa bawat uri ng tula sa panahong iyon.