Introduction
SANAYSAY (URI, ELEMENTO, AT BAHAGI)
https://youtu.be/7hMw0quyMws?si=qg7CLRPBcc7h5tk-
KAHULUGAN
Michael de Montaigne
- Pinakaunang lumikha ng genre naito.
- Pagtatangka o pagsubok sa bagonglarangan ng panitikan.
- Ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay.
ALEJANDRO G. ABADILLA (Ama ng Modernistang Pagtula saTagalog)
- Ayon sa kaniya ang “sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay”
Genoveva Edroza Matute
- Pagtataya sa isang paksa saparaang tuluyan at sa malayangparaang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat, upangumaliw, magbigay-kaalaman o magturo.
KAHULUGAN
- Naglalahad ng saloobin, kuro-kuro, kaalaman, opinyon sa paksangpinaguusapan
- Komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw
- Sistematikong paraan upangmaipaliwanag ang isang bagay o pangyayari
DALAWANG URI SANAYSAY
PORMAL
-
Tumatalakay sa mga seryosongpaksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalimna pagkaunawa sa paksa.
-
Naglalaman ng mahahalagangkaisipan at nasa isangmabisang ayos napagkakasunod-sunod upanglubos na maunawaan ng bumabasa.
DI-PORMAL
- Tumatalakay naman samga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal.
- Nagtataglay ng opinyon, kurokuro at paglalarawan ng isangmay-akda.
BAHAGI NG SANAYSAY
PANIMULA
- Inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda at kahalagahan ng paksangtinatalakay.
GITNA
- Inilalahad ang mgakaragdagang detalye o pananaw kaugnay ng tinatalakay na paksaupang patunayan o suportahan ang pangunahing kaisipan.
WAKAS
- Nakapaloob ang kabuuan ng sanaysay.
- Pangkalahatang pasya o palagay tungkol sa paksabatay sa mga katibayanat katuwirang inisa-isa sagitnang bahagi.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
TEMA
- Ang sinasabi ng isangakda tungkol sa isangpaksa.
- Bawat bahagi ng akdaay nagpapalinaw ng temang ito.
- Pangkalahatangkaisipan ng isangakda.
ANYO AT ESTRUKTURA
- Isang mahalagang sangkapsapagkat nakaaapekto ito sapagkaunawa ng mgamambabasa.
- Ang maayos napagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong samambabasa sa pag-unawasa sanaysay.
KAISIPAN
- Mga ideyang nabanggitsa kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
WIKA AT ESTILO
- Ang uri at antas ng wikaat estilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabutinggumamit ng simple, natural, at matapat namga pahayag.
DAMDAMIN
- Naipapahayag ng isangmagaling na may-akdaang kaniyangdamdamin nang may kaangkupan at kawastuhan saparaang may kalawakan at kaganapan.
HIMIG
- Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, nakakatakot, at ibapa.
https://youtu.be/7hMw0quyMws?si=qg7CLRPBcc7h5tk-
Task
THING-TALK
(Magbibigay ng gantimpala ang guro sa bawat pangkat ang lahat ay pupunta sa unahan upang ibenta ito sa pamamagitan ng live-selling. Ang bawat isa ay inaaasahang makikilahok sa tinakdang gawain.)
Panuto: Ang bawat bagay na natanggap ng bawat pangkat ang kailangan mabigyan ng sariling katawagan, at paglalarawan upang maipakilala ang kanilang produktong ibebenta.
MGA IPAMIMIGAY: BALLPEN,CANDY, PESO COIN
Process
Ang bawat pangkat ay pupunta sa unahan upang isagawa ang pagbebenta ng kanilang nakuhang produkto. Sisimulan ito ng kanilang kinatawan at susudan ito ng kaaiyang miyembro. Ibebenta nila ito sa pamamaraan ng pagibigay ng presyo at paglalarawan spang hikayatin ang mga manonod o mamimili.
Evaluation
MAGSANAY-SAY
Panuto: Ang bawat pangkat ay pipili ng isang kinatawan. Gamit ang "COLOR GAME" pipili ang bawat pangkat ng isyung pandaigdig na gagawan ng isang sanaysay na hindi bababa sa sampung pangungusap. Isulat ito sa "Diagran "na ibibigay ng guro. Gamiting gabay ang pamantayan sa pagbuo ng sanaysay. Gawin ito sa loob ng limang minuto.
MGA PAKSA
Teknolohiya, Kahirapan, Pulitika, at Edukasyon
PAMANTAYAN ISKOR
NILALAMAN 10
ORIHINALIDAD 10
ORGANISASYON NG IDEYA 10
KABUUAN 30