M. C. - Pagsulat ng Liham
Introduction
Ang liham o sulat ay isang mensahe o pahayag na naglalaman ng balita, impormasyon, o nararamdaman ng nagpadala para inaasahang tatanggap nito sa nasa ibang lugar.
Mga Uri ng Liham
• Liham Paanyaya
• Liham Pahintulot
• Liham Paumanhin
•Liham Aplikasyon
•Liham Pagbati
• Liham Kahilingan
•Liham Pagtanggi
•Liham Pagsang-ayon
• Liham Pagtatanong
• Liham Pasasalamat
Limang Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan - naglalahad ng pinagmulan o tirahan ng sumulat at ang petsa kung kailan ito isinulat.
2. Bating Panimula - tawag sa pambingaf na pagbati sa babasa ng liham.
3. Katawan - naglalaman ng iyong mensahe o dahilan sa pagsulat sa inaasahang babasa nito.
4. Bating Pangwakas - bahagi kung saan nagpapaalam ang sumulat.
5. Lagda - nagsasaad ng pangalan ng sumulat ng liham.
Task
Ang guro ay magbibigay ng mga gawain:
1.Magpapagawa ng isang halimbawa ng liham ayon sa nais isulat ng mag-aaral.
2. Ibabahagi sa klase ang sinulat na liham.
3. Makapagpapaliwanag sa kahalagahan ng liham.
Process
Mga proseso sa paggawa ng liham ay ang mga sumusunod:
1. Ipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pagsulat ng liham.
2. Ang mga iba't-ibang uri ng liham ay ipapakilala.
3. Tatalakayin ang mga bahagi ng liham.
4. Ilalapat at gagawa ng liham ang mga mag-aaral matapos matalakay ang kahulugan, kahalagahan at mga bahagi ng liham.
5. Iprepresenta sa harapan ang nagawang liham.
Evaluation
Bawat gawain ay may pagbabasehang pamantayan sa pagmamarka ng gawain. Bawat gawain ay may paksa at itinatakdang oras ng pagpasa.
Marka:
95-100% - Napakagaling
86- 94% - Mas galing
75-85% - Magaling
Conclusion
Malalaman ng mga mag-aaral ang kahulugan at kahalagahan ng liham gayundin ang mga iba't-ibang uri at bahagi ng liham.
Ang ginawang liham ng mga mag-aaral ay siyang magsisilbing awtput nila sa paksang ito at maaari na rin nilang magamit sa susunod.
Credits
Sanggunian: Castillo, L. et. al. 2011. "Komunikasyon: Batayan at Kasanayang aklat sa Filipino"