PANITIKAN NG LUZON LARAWAN NG PAGKAKAKILANLAN

Introduction

    Isang mapagpalang araw mga bata. Muli ako nga po pala si Ginoong Jason B. Sanchez ang inyong guro sa Filipino. Hali na at samahan niyo akong lakbayin at pag-aralan ang panitikan ng luzon. Sa araling ito, matutunghayan natin ang mga nagagandahang akda gaya ng Maikling kwento, Alamat, Kwentong bayan, Kasabihan at marami pang iba. Ngunit sa araw na ito, ang ating pag-aaralan at bigyang pansin ay ang Maikling kwento na tiyak na magbibigay sa atin ng mga aral. Kaya ano pang hinihinay ninyo! Samahan niyo akong pasukin at unawain ang mga kwentong likha ng mga taga Luzon.

             Panitikan ng Luzon  The Bayanihan Spirit – The Mixed Culture

             

       Ang panitikan ay salamin ng lipunan. Anumang nangyayari sa lipunan ay lumilitaw sa ilang pangyayari sa akda maging sa tagpuan at tauhan. Bagamat hindi tunay na hinango ang ilang akda dahil likha ito ng malikhaing imahinasyon ng manunulat, may mga kultura at buhay sa isang lipunang inilalarawan ng akda. May panitikan ding nalikha hango sa buhay at kulturang naging bahagi na ng buhay ng may-akda o maaaring kanyang namasdan, nasaliksik, o napag-alaman. Nagiging daan ito upang makilala at maunawaan ang identidad o pagkakakilanlan, buhay na ginagalawan, katangian at kultura ng isang lipunang maaaring kaiba o katulad ng ating mundong ginagalawan. Kilala mo ba ang iyong pook na kinabibilangan? Nais mo bang makilala ang iyong pinanggagalingan o ng pagkakakilanlan ng isang lugar, lipunan o mundong ginagalawang hindi naman kaiba sa inyo? Nais mo bang makita ang tunay na larawan ng isang isla na may natatangi at magagandang kultura at pagkakakilanlan? Matutunghayan mo ang larawan ng pagkakakilanlan ng Luzon sa pamamagitan ng mga ibat-ibang anyo ng panitikan gaya ng tula, awitin, kwentong-bayan, sanaysay, at maikling kwento. Sa ating tatalakayin, matutuklasan natin ang mga kasagutan sa mga tanong na ibinigay sa pamamagitan ng ating pagsusuri sa ibat-ibang panitikan sa rehiyong Luzon. 

        

 Mga Kwento Galing Sa Luzon | Mga Kwentong Bayan Mga Kwento Galing Sa Luzon | Mga Kwentong BayanSi Malakas At Si Maganda - Kwentong Alamat - - YouTube 

 

 

 

 

Task

Bago tayo dumako sa ating gawain, aalamin muna natin kung ano ang Maikling kwento.

Maiking kwento- ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong karunungan sa isip ng mga bata. Ngayon at nalaman niyo na ang kahulugan ng maikling kwento ay dumako na tayo sa ating gawain.

 

     GAWAIN

                                365,537 Person Searching Stock Photos, Pictures & Royalty-Free Images -  iStock | Person searching online, Person searching on computer, Person  searching on phone

      Sa gawaing ito, humanap kayo ng inyung kapares at gawin ang mga sumusunod:

      1. Online na pagtatalakay

      2. Kayo naman ang magbigay ng  depinison kung ano para sa inyo ang  maikling kwento

      3. Magbigay ng mga halimbawang alam niyo na mga kwentong bayan o maikling kwento at ipasaninyo ito sa aking inihanda na link. https://drive.google.com/open?id=1Yw-ZEFlb3xbVPjUNnewzBoPM1LLylqUu&authuser=j.sanchez.541710%40umindanao.edu.ph&usp=drive_fs

 

Process

PROSESO 1: IBUOD MO ANG KWENTO KO

Mga mag-aaral may ipapanuod ako sa inyo na  isang kwento na may pamagat na "Si Malakas at si Maganda" Ito ay isang gawaing indibidwal.

1.Bawat isa ay panoorin ang kwento at may inihanda akong link sa ibaba.

2. Gawan ng buod ang napanood na kwento gamit ang Microsoft word.

3. Ipasa ito sa aking inihanda na link. https://drive.google.com/open?id=1Yw-ZEFlb3xbVPjUNnewzBoPM1LLylqUu&authuser=j.sanchez.541710%40umindanao.edu.ph&usp=drive_fs

https://www.google.com/search?hl=en&q=malakas+at+maganda&tbm=vid&sa=X&ved=2ahUKEwjp56aYp5D9AhXYslYBHU5SAQQQ0pQJegQICxAB&biw=1366&bih=568&dpr=1#fpstate=ive&vld=cid:eede5c56,vid:nsZKEiA3mRo

 

PROSESO 2: IPAKILALA MO

Mga mag-aaral handa na ba kayong unawain at basahin ang susunod na maikling kwento mula sa Pamapanga. Sa gawaing ito ay may inihanda akong video na kung saan doon niyo mapapanuod ang kwentong isinulat ni Jun Crisostomo Soto na may pamagat na " Si Binibining Phathupats" Pagkatapos mapanuod ang kwento ay may sasagutan kayong mga tanong sa ibaba.Ipasa ninyo ang inyong mga sagot sa google drive 

https://drive.google.com/open?id=1Yw-ZEFlb3xbVPjUNnewzBoPM1LLylqUu&authuser=j.sanchez.541710%40umindanao.edu.ph&usp=drive_fs

1. Paano inilarawan si Binibining Phathupats?

2. Bakit siya pinangalanang Phathupats? Makatarungan ba ang ganoong taguri sa kaniya?

3. Ano ang naging impluwensya ng mga amerikano sa pagbabago ni Binibining Phathupats?

4. Masisisi mo ba kung bakit ganoon ang naging pag-uugali ni Binibining Phathupats? Bakit?

5. Sino-sino sa kasalukuyan ang maaari nating maiugnay kay Binibining Phathupats? Ipaliwanag ang sagot.

Matapos ninyong masuri ang isang maikling kwento, higit na maka-tutulong sa iyong maisagawa ang sumusunod ng gawain kung uunawain mo ang susunod na mga kaalaman gaya ng mabisang gamit ng anaporik at kataporik ng pangngalan sa pagbubuod ng mga kaisipan mula sa binasa. Upang mas maintindihan ninyo kung ano ang kataporik at anaporik ay may inihanda ako para sa inyo na isang video upang inyong panoorin ng sa ganoon ay maunawaan ninyo ang mga ito. Pagkatapos ninyo mapanuod ang video ay may gawain na susunod. Ipasa ninyo ito sa aking inihanda na link. https://drive.google.com/open?id=1Yw-ZEFlb3xbVPjUNnewzBoPM1LLylqUu&authuser=j.sanchez.541710%40umindanao.edu.ph&usp=drive_fs

PROSESO 3:ANAPORIK AT KATAPORIK NG PANGNGALAN

Magbigay ng mga halimbawa ng pangungusap na guamagamit ng anaporik at kataporik ng pangngalan upang ilarawan ang ibat-ibang kaugaliang dapat maisabuhay bilang mga Pilipino.

Halimbawa:

              *Magandang kaugalian ang pagmamano at paggamit ng po at opo.Likas sa mga Pilipino ang mga ito.

              *Sina apong Gat-eb at tatang As-il ay nagmamama at laging nakabahag kahit walang okasyon. Sila ay mga katutubong Igorot.

ANAPORIK

1.

2.

3.

KATAPORIK

1.

2.

3.

PROSESO 4:  PAGSULAT NG BALITA

Ang iyong tunguhin sa bahaaging ito ay mailipat ang iyong mga natutuhan sa mga totoong sitwasyon. Bibigyan ka ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang maipakita mo ang iyong malalim na pag-unawa.

Balikan mo ang naumpisahan mong burador sa nakaraang aralin at iyo nang irebisa ang mga ito sa pamamagitan ng pagwawasto sa kamalian sa gramatika gayundin at pagdaragdag ng mga detalye upang ganap na mailahad ang mga dapat matutuhan patungkol sa isasagawang komprehensibong pagbabalita. Muli mong balikan ang tseklist sa pagmamarka ng iyong binuong balita. upang mas mapaunlad ninyo ang balitang inyong isusulat narito ang isang video na makatutulong sa inyong gawain. Ipasa ninyo ang inyong mga sagot sa aking inihanda na link. https://drive.google.com/open?id=1Yw-ZEFlb3xbVPjUNnewzBoPM1LLylqUu&authuser=j.sanchez.541710%40umindanao.edu.ph&usp=drive_fs

 

 

 

Evaluation

 

                                                                 CHECKBRIC SA PAGSULAT NG BALITA

                                         5. NATATANGI  4. MAHUSAY 3. NALILINANG 2. MAY KAHINAAN

     Pamantayan                                                         Deskripsyon Marka
      Impormasyon o                 Datos

Dami ng nakalap na impormasyon o datos. Kabuluhan ng nakalap. Angkop ang impormasyon upang maipakilala ang rehiyon

 
      Pagkakabuo Nailalahad ayon sa wastong pagkakahanay ang mga imormasyon. Maayos ang daloy at hindi nawawala ang kawilihan at kasabiakan sa bawat imporamasyonng inilahad  
     Sanggunian at           Pamamaraan Katanggap-tanggap ang mga imporamasyong hango sa awtoridad. Mabisa ang pamamaraang ginamit upang makalikom ng impormasyon.  
     Paggamit ng wika Mabisang gimamit ang wika upang mailahad an impormasyon. Gumamit ng mga pahayag namakapagtotoosa impormasyon.  
     Komprehendibo Nailalahad ang mahahalagang impormasyong dapat malaman tungkol sa pagkakakilalanlan ng rehiyon at ang pakikisanagkot ng mga detalye upang matulungang maunawaan ng mambabasa at manonood ang mga impormasyong nailahad.  
                                                   KABUUAN                                                                                                                                               25

 

 

Conclusion

      Bilang isang masining na panitikan, naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na maipabatid sa paggamit ng mga pananalita ngunit tulad din ng nobela at dula, isa itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring nagaganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si DEOGRACIAS A. ROSARIO ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kwento". 

     Sa pamamagitan ng pagkakarron ng pagsasadula, dito nila mas mapapakita ang kanilang mga talento at makita ang kanilang pagkamalikhain at maparaan kung paano nila mapagtagumpayan ang gawain. Sa bawat mababasa natin na mga kwento nag-iiwan ito ng mga aral para sa mga mambabasa upang buksan ang puso at isipan at ng maliwanagan sa ibat-ibang bagay.

     Bilang isang Pilipino, mahalaga na malaman natin ang akdang pampanitikan, upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

                                                                  Samahan Ng Gabay Ng Wika - GAWI Club - 𝘿𝙚𝙤𝙜𝙧𝙖𝙘𝙞𝙖𝙨 𝘼.  𝙍𝙤𝙨𝙖𝙧𝙞𝙤-“𝘼𝙢𝙖 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙞𝙠𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤𝙣𝙜  𝙏𝙖𝙜𝙖𝙡𝙤𝙜” Ipinanganak siya noong Ika-17 ng Oktubre, 1894 sa Tondo,  Maynila. Isang mangangatha, mamamahayag at makata ...

Credits