Tula sa panahon ng Hapon

Introduction

Ano ang mga uri ng mga tula sa panahon ng                                        mga hapon?

Ang layunin niyo ay malaman ang mga uri ng tula sa panahon ng hapon.

 

Image result for tula sa panahon ng hapon

 

Task

Ang unang gawain ay pumunta sa silid-aklatan at magsaliksik sa mga uri ng tula sa panahon ng hapon.

Upang mas mapadali ng paghahanap ng libro ito ang link ng OPAC ng BSU:

http://catalog.bsu.edu.ph/common/servlet/presenthomeform.do?l2m=Home&tm=Home&l2m=Home

Maaaring gamitin na aklat: Abueg, E. R. (2012). Ang Sining at kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas.

 

Process

Ang mga nasaliksik ay isulat sa kwaderno na nakalaan sa asignaturang ito at intindihin ang nakapaloob na paglalarawan.

Gumawa ng sariling tula sa bawat uri ng tula sa panahong iyon.

Ang dalawang tula ay ang Haiku at ang Tanaga.

Evaluation
Criteria sa paggawa ng tula
Talinhaga 20
Sukat at tugma 10
Lahat 30

30 na puntos sa bawat tula

Kaya gandahan ang paggawa ng tula dahil ayon nga kay Julian Cruz Balmaceda,
  “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan- ang tatlong bagay na magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.”
Conclusion

Mahusay! Nakagawa ka ng sarili mong tula sa bawat uri ng tula sa panahon ng mga hapon, ito ay ang Haiku at Tanaga. Upang malinang pa ang kakayahan sa paggawa ng tula ay ugaliing magsulat kapag walang masyadong ginagawa para sa mga susunod pang gawain.

Image result for good job emoji gif

Credits
Teacher Page

Ang WebQuest na ito ay para madiskubre ng mga mag-aaral ang mga uri ng tula sa panahon ng Hapon. Pagkatapos ng WebQuest na ito ay nakagawa na sila ng tula sa bawat uri ng tula sa panahong iyon.