Introduction
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Paano gumawa ng sanaysay?
Iniisip ng iba na napakahirap
gumawa ng isang sanaysay at ito’y nakakabagot. Dahil na din siguro sa nangangailangan ito ng mahabang panahon upang mapag- isipang lubos ang mga bagay na nais nating pagtuonan ng pansin. Ang sanaysay ay may dalawang uri ang pomal o maanyo at
pamilyar o palagayan.
Ang sanaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda.
Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Tatlong bahagi ng Sanayasay:
1. Panimula – ditto masusumpungan ang pamaksang pangungusap ng sanaysay
- Kalangang mabisas angg pambungal na sanaysay upang mapukaw ang interes ng mambabasa
2. Katawan – taglay nito ang kabuuang nilalaman ng sanaysay
3. Wakas – ito ang pasarang pangungusap na nagbibigay diin sa paksa ng sanaysay
Ngayon hayaan niyong bigyan ko kayo ng ilang mga
hakbangin upang makagawa kayo ng isang mahusay na
sanaysay ng hindi nahihirapan.
Sana’y makatulong ang mga ito para sa inyong gagawin.
10 Tips sa Pagsulat ng Sanaysay
Basahin ng buong husay ang mga detalyeng nasa baba upang masagutan ang ilang katanongan.
Nasa ibaba ang 10 Tips na aking ginawa para mas maging epektibo ka sa pagsusulat ng sanaysay o essay:
- Alamin ang ang pagkakaiba ng salita, parirala, pangun
Task
2. Ano ang kaibahan ng dalawang uri ng sanaysay?
3. Magbigay ng 5 pamamaraan sa paggawa ng sanaysay.
4. Gumawa ng maikling sanaysay gamit ang mga nabanggit na bahagi ng sanaysay.
Process
Gawin ito sa loob ng isang oras. Gamitin ang mga detalyeng nabanggit sa Introduksyon. maaari niyo ng simulan ang pagsagot sa mga tanong.